Naaprubahan na sa Committee on Health ang House Bill 1621 or an Act Creating a Body Corporate to be known as Western Philippines Medical Center and For Other Purposes nitong ika-17 ng Marso, taong kasalukuyan.
Ang naturang panukalang batas ay magkakasamang iminungkahi ng tatlong Representante ng lalawigan na sina Rep. Franz Josef Alvarez (1st District), Rep. Cyrille Abueg-Zaldivar (2nd District) at si Rep. Gil ‘KabarangayJr.’ Acosta (3rd District). Di maikakaila ang matinding pangangailangan ng lalawigan na maisakatuparan ang pagtatayo ng Ospital na partikular sa kidney at heart diseases, dahil sa mataas na kaso ng cardiovascular diseases at kidney malfunction sa lalawigan.
Ang panukalang batas ay naglalayong makapagpatayo ng Medical Center sa lalawigan at tatawaging Western Philippines Medical Center.
Layunin nitong matugunan ang lumalaking pangangailangan ng serbisyong medikal, kaugnay ng lumalagong populasyon at turismo ng Probinsya at sa lungsod ng Puerto Princesa.(P.R.)
Discussion about this post