Ipinababatid ng pamunuan ng Palawan Electric Cooperative na isa sa mga dahilan ng black out tuwing sabado at linggo ay ang paglilipat ng poste ng Napocor.
Ginagawa ito kasunod ng road widening na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Dahil sa road widening, may mga poste ng NAPOCOR na kinailangang i-relocate sapagkat ito ay nasa gitna ng daan na maaaring maging sanhi ng anumang disgrasya kapag ito’y napabayaan.
Samantala, naging posible ang nasabing proyekto dahil sa pagbibigay ng ponding iginawad ng DPWH.Kasabay nito, hinihiling ng Kooperatiba ang pang-unawa ng mga Kamay-ari ng Paleco sa anumang abalang dulot nito dahil na rin sa layuning ligtas na maisagawa ang nasabing aktibidad.
Discussion about this post