Sa takbo ng proseso at magandang-asal sa loob ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF), 18 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang lumaya na mula sa piitan pagkatapos ng ilang taon pagkakulong.
Ayon sa Bureau of Correction kapag maganda ang pinapakitang asal sa loob ay maaring mapaiksi ang sentensya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Batay sa RA 10592, Section 17, bago lumaya ang 18 PDL ay muling nagsagawa ng aktibidad ang mga ito kasama na ang ilang kawani ng IPPF sa New Conference Hall noong ika-11 hanggang 20 taong kasalukuyan.
Sa mensahe ng Local MSEC Chairman, IPPF Acting Superintendent Correction Superintendent Joel R Calvelo, kasama ang Director- General USEC Gerald Q Bantag, pinaalala sa mga lumaya na PDL sa kanilang huling araw sa loob na mag-isip at pahalagahan ang kanilang natutunan sa loob ng pasilidad at mga naging kaalaman nito sa tulong ng livelihood programs na maghahatid sa kanila sa bagong buhay sa labas kasama ang kanilang mga pamilya.
Hinihikayat naman ang ilan pang Persons Deprived of Liberty na mag-enroll at mag-participate sa mga aktibidad na inihanda ng Bureau of Corrections para matulungan ang mga nakakulong na magnilay, magbagong buhay at ihanda sila sa paglaya.
Discussion about this post