Anim na mangingisda sa Taytay, arestado sa paggamit ng compressor

0
71
Photo credit Banie Manzanilla Lim
- Advertisement -

Last Updated on

Arestado ang anim na mangingisda sa karagatang sakop ng Taytay, Palawan bandang 4:00 P.M. kahapon, Setyembre 11.

Inaresto sina Carlo Velasco Lampago, Lino Codilla Buante, Jonathan Vilma Austria, Rexson Aurillo Sinadian, Dave Codilla Austria, mga residente ng Brgy. Biton sa bayan ng Taytay, at si Elvie Cabahug Espinosa na residente ng Brgy. Paly sa parehong munisipyo.

Base ito sa intelligence report na natanggap ng Taytay MPS ukol sa ilegal na pangingisda sa lugar kung kaya’t nagsagawa ang mga ito ng joint patrol operations kasama ang mga tauhan ng Municipal Agriculturist Office ng Taytay, Palawan.

Naaresto ang mga mangingisda sakay ng dalawang motorized fishing vessel na walang pangalan at hindi rehistrado, habang nangingisda ang mga ito gamit ang compressor.

Napag-alaman ding hindi rehistrado ang mga mangingisda.

Nakumpiska sa kanila ang dalawang compressor at tangke, at humigit-kumulang 40 metrong hose.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Taytay MPS ang mga naarestong mangingisda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here