Magsasagawa ng dalawang araw na Baragatan Tourism Travel Fair simula June 24-26, 2022 na gaganapin sa Robinsons Place Palawan Activity Center kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng Baragatan Festival 2022.
Layunin ng aktibidad na itampok ang mga pamamaraan at mga hakbanging ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan at industriya ng turismo kung kaya’t nakamit nito ang pagkilala bilang World’s Best and Friendliest Island sa pandaigdigang turismo at ang pagluklok sa Palawan bilang top tourist destination sa buong mundo.
Nais nito na lalo pang palakasin ang pagsusulong ng turismo at muling buhayin ang mga negosyo at kalakalan ng tourism establishments at enterprises sa lalawigan sa ilailim ng pamumuno ni outgoing Gov. Jose Ch. Alvarez katuwang ang Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO) at Palawan Tourism Council.
Ang turismo sa Palawan ay isa sa mahahalagang sektor kung saan malaki ang nagiging kontribusyon sa pagpapalago ng ekonomiya ng lalawigan simula nang manumbalik ito noong Pebrero 2022. Inimbitahan din ang mga Local Government Unit sa lungsod at mga munisipyo sa lalawigan maging ang mga Accredited Tourism Enterprises bilang exhibitors kung saan maaaring bisitahin ang mga ito sa kani-kanilang mga booth at stall. Labing limang (15) exhibitors na ang nagkumpiramang lalahok sa aktibidad na magtatampok ng kani-kanilang mga produkto. Sa unang araw ng nabanggit na selebrasyon, magsasagawa umano ng mga aktibidad patungkol sa People and Celebrations habang sa ikalawang araw naman ay itatampok naman ang Food and Culture at sa ikatlong araw naman ang Sights, Sounds and Attractions.
Samantala, sa ngayon ay umabot na sa 159,611 na mga domestic at foreign tourists ang bumisita sa lalawigan batay sa datos ng Tourism Live-Inventory and Statistics of Tourist Arrivals (TourLISTA) na isang web-based information system kung saan pinagsasama-sama ang database ng lahat ng tourist arrivals mula sa Accomodation Establishments (AEs) at Tourist Attractions (Tas) sa rehiyon ng MIMAROPA.
Discussion about this post