Isang magsasaka ang nahaharap ngayon sa paglabag sa “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” matapos na makumpiska ng mga awtoridad sa kanyang pag-iingat ang isang baril, magazine at mga bala kahapon, January 18.
Kinilala ang naarestong indibidwal na si Pocinio Tingilan Takyangan, 32 taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Bunog, Rizal, Palawan.
Sa imbestigasyon ng Palawan Police Provincial Office (PPO), Lunes nang umaga nang tumulak ang mga tauhan ng Rizal MPS, kasama ang mga personnel ng 3rd Platoon 1st PPMFC, sa Brgy. Bunog, Rizal, Palawan upang ipatupad ang search warrant para sa suspek na ibinaba ni Executive Judge Ramon Chito R. Mendoza noong January 15, 2021 dahil sa paglabag ng nasabing indibidwal sa RA 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.”
Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang caliber 38 revolver na walang serial number, isang magazine ng caliber 45, walong pirasong live ammunition para sa cal. 38 at limang live ammunition para sa cal. 45.
Sinaksihan naman nina Brgy. Kagawad Randy G. Agas at Brgy. Kagawad Armando C. Galgo ng nasabing barangay ang nasabing pagsasagawa ng search and inventory ng mga nakumpiska.
Nasa kustodiya ng Rizal MPS ang suspek at ang mga nakuhang ebidensiya. Naihain na rin ngayong araw ang kasong paglabag RA 10591 laban sa suspek sa pamamagitan ng Inquest proceedings
Discussion about this post