ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Brgy. Tumarbong, magtatapos na ang lockdown ng walang nagpositibo sa COVID-19

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
August 28, 2020
in Provincial News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Brgy. Tumarbong, magtatapos na ang lockdown ng walang nagpositibo sa COVID-19
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Magtatapos na ngayong araw ang lockdown sa Brgy. Tumarbong sa Bayan ng Roxas, alinsunod sa napagkayarian ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF).

Ito ang kinumpirma ni Dr. Leo Salvino, municipal health officer at incident post commander ng LGU Roxas sa panayam ng Palawan Daily News.

RelatedPosts

Limang kalalakihan, tiklo sa ilegal na tupada sa Puerto Princesa

Governor Amy Alvarez, Binisita si Mayor Bayron upang pag-usapan ang mga proyektong pang-kaunlaran

Declog Drainage Canals: City Government urged Barangays, public

Ani Dr. Salvino, ngayong araw ang ika-15 day lockdown ng Tumarbong mula noong Agosto 13  sanhi ng pagpositibo ng isang LSI sa COVID-19 nang makarating ng Kamaynilaan.

Aniya, maaari nang alisin ang lockdown dahil walang sinuman sa barangay ang nagpositibo sa nakahahawang sakit, base sa resulta ng RT-PCR mula sa ONP.

“Wala na [kaming hinihintay na iba pang resulta ng swab test] kasi na-monitor na namin, walang [nagkaroon] ng symptoms, at saka nagtapos na rin ‘yong 14 days nila na quarantine,” dagdag pa niya.

Aniya, umabot sa 80 katao ang kanilang nalista nang isinagawa ang contact tracing. Sampu (10) aniya sa mga ito ang na-swab, 50 ang mga na-rapid test habang ang iba ay na-validate na wala namang close contact sa naturang LSI na lalaki. Matatandaang  umalis ng Palawan ang nasabing indibidwal noong Agosto 3, nakunan ng swab test noong Agosto 5 at lumabas naman ang resulta na positibo siya sa COVID-19 noong Agosto 7.

“Yong ginawa namin sa Tumarbong, that is preemptive anticipation in case na may community exposure. Sa awa ng Diyos, wala naman. Sana doon na lang niya nakuha sa Maynila [ang sakit] kahit [parang imposible] na wala pang two days, nag-develop [at] nag-positive [siya],” dagdag pa ni Dr. Salvino.

Ngunit magkagayunpaman, ipinaliwanag ni MHO Salvino na huwag magkampante ang lahat bagkus sundin pa rin ng lahat ng MGCQ protocol.

“Pag walang kailangan sa labas, huwag lumabas;  mga vulnerable, sa loob lang ng bahay, naka-facemask, naka-faceshiled kung kailangan, [at may] physical distancing. Kapag na-maintain ang pagsunod sa guidelines, hindi tayo mangangamba, kahit, ‘wag naman, na makipag-interact ka, makihalubilo ka na bawal naman talaga ang socialization [ngayon],” aniya.

Aminado naman ang incident post commander ng Bayan ng Roxas na palaisipan pa rin sa kanila kung paano nahawaan ng COVID-19 ang nasabing LSI.

“Ito ang scenario—na doon na-develop sa community; another scenario, doon niya nakuha sa Maynila pero that extreme, too short, less than two days [lang kasi ang pagitan nang makunan siya ng specimen]….kasi unang-una, hindi siya full-blown na case kasi nakipag-basketball, nakipag-inuman pa [siya rito sa Tumarbong], ibig sabihin, he’s feeling well, he’s good,” aniya.

“Itong characteristic ng COVID-19, ang clinical course nito, pati ‘yong manifestation, unpredictable kasi bago nga itong virus. Hindi pa [talaga] establish na establish—kasi ‘ yong case sa Tumarbong, kung titingnan natin, tatlong test ang negative no’n—isang swab, dalawang rapid tests. Tapos it took five weeks [bago siya nagpositibo sa COVID-19],”paliwanag pa niya,

Samantala, habang sinusulat naman ang balitang ay nananatiling 10 ang confirmed COVID-19 cases sa Bayan ng Roxas na sa kabutihang-palad ay isa na lang ang active case at 11 ang suspect cases.

Share44Tweet28
Previous Post

Zootaxa Journal identifies 6 Newest Cricket in the country, 1 species found in Palawan

Next Post

Awareness Seminar ukol sa WPS, isinagawa ng WESCOM

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO
Provincial News

Limang kalalakihan, tiklo sa ilegal na tupada sa Puerto Princesa

July 10, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

Governor Amy Alvarez, Binisita si Mayor Bayron upang pag-usapan ang mga proyektong pang-kaunlaran

July 9, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

Declog Drainage Canals: City Government urged Barangays, public

July 9, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

Mga Proyekto ng pamahalaang panlunsod, pinasinayaan ng

July 9, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase

July 9, 2025
World Travel Index 2025: Puerto Princesa is 18th safest PH City
Provincial News

Road safety advocacy ride, matagumpay na naisagawa ng PDRRMO

July 9, 2025
Next Post
Awareness Seminar ukol sa WPS, isinagawa ng WESCOM

Awareness Seminar ukol sa WPS, isinagawa ng WESCOM

Linapacan & Palawan; Songs from the island courtesy of High Hello and Angeline Abina

Linapacan & Palawan; Songs from the island courtesy of High Hello and Angeline Abina

Discussion about this post

Latest News

Matanda mula sa Palawan, na-stranded sa Surigao

Diskwento sa Cellphone at libreng sine para sa seniors, isinulong sa kamara

July 14, 2025
Matanda mula sa Palawan, na-stranded sa Surigao

Fewer Chinese Ships in West Philippines Sea- for now

July 14, 2025
Matanda mula sa Palawan, na-stranded sa Surigao

Palawan named best island in southeast asia- again

July 14, 2025
Column: high-rise housing as solution in flood-prone cities

Column: Blu Carbon Ecosystems

July 14, 2025
Matanda mula sa Palawan, na-stranded sa Surigao

City Health office reopens dengue fast lane amidst increasing dengue cases

July 14, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15006 shares
    Share 6002 Tweet 3752
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11215 shares
    Share 4486 Tweet 2804
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10266 shares
    Share 4106 Tweet 2567
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9650 shares
    Share 3860 Tweet 2412
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9008 shares
    Share 3603 Tweet 2252
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing