Iniinda ng van operators at drivers na bumibyahe papuntang Southern Palawan lalo na ang Northern Palawan ang matumal na pasahero
Sa panayam ng Palawan Daily News team kay retired PSupt. Rosalina T. Dumaran operator ng Nyles transport, apektado ang byahe lalo na ang north-bound dahil sa pinsala ng Bagyong Odette.
“Sa ngayon medyo ok na kasi nakakalusot na yong van from El Nido up to Puerto Princesa, pero last week pahirapan talaga nakaka-awa po ‘yung mga drivers natin,” ani ni Dumaran.
Samantala umaasa naman sila na sa papalapit na bagong taon ay maraming pasahero ang uuwi sa kani-kanilang mga lugar.
Discussion about this post