Matapang na binitawan ni Fr. Roderick Caabay sa Lokal na Pamahalaan ng Culion partikular kay Mayor Virginia De Vera dahil umano sa paggamit nito ng kanyang posisyon para sikilin ang karapatan sa pagpapahayag ng kanyang nasasakupan.
“This is using government machinery against people who are able to speak out. The only people, the only institution to speak out for the people is the church now in Culion. Kapag mananahimik pa ang simbahan sino ang magsasalita?… And we will do this no matter the setback even if it means to the point of death. I will do this from my people and I will lay down my life for my people, I am not afraid.” ani Fr. Caabay.
Pinasaringan din nito ang alkalde na bumaba sa kanyang puwesto kung hindi kayang tanggapin ang isyu na ipinupukol at inanyayahan na magkaroon sila ng personal na pag-uusap.
“But hindi ka lang si Virginia De Vera, you are the Mayor of the town of Culion and you have to act properly. Pasensiya ka na, eh di bumababa ka na sa puwesto mo para hindi ka nadadamay sa ganitong mga gulo sa mga isyu ng sambayanan. I hope we become, you still become respectful. I’m inviting you for dialogue. But I’m telling you, we will fight the end. To fight for the rights of the people.” Dagdag na pahayag no Fr. Caabay.
Ayon naman kay Culion Mayor Virginia De Vera, gumagawa sila ng paraan na para mapaalis sa kanilang bayan si Fr. Caabay kasabay ng pagtanggi sa imbitasyon into na pakikipag-usap.
“Gagawa kami lahat ng mga barangay ay nag-usap-usap na kami at mag-aaksyon na po kami, SB, SK lahat po pe-petition po namin sya dito. Isa-submit po namin ito sa kanilang pinakamataas, na lahat ng mga tao dito sa Culion yung pipirma po kami na para alisin na siya dito. Kasi gulo na po ang ginagawa nya sa amin parang ginagawa nya po [ng] pader ang mga kabataan at ang gobyerno po namin.”
“Ayaw ko na makipag-usap sa kanya, binastos-bastos na niya ako ayaw ko na makipag-usap sa kanya.” pahayag ni Mayor De Vera.
Bumuwelta rin ang alkalde sa Parish priest ng kanilang bayan na imbes umano kalabanin ang pamahalaan ay tulungan na lang sila na mapabuti ang pagbibigay serbisyo.
“Bilang pari hindi maganda po na kinakalaban niya yung gobyerno, kami po sa gobyerno ginagawa namin lahat ng ikabubuti ng bayan namin. Ako bilang punong bayan dapat nga po ako ang pinag-pray nya para magawa ko yung tungkulin ko bilang Mayor dito sa aming bayan hindi yung ipabagsak nya ang aking pagkatao,”
Samantala naging mainit ang palitan ng mga pahayag ng dalawa panig dahil sa magkaibang paniniwala sa usapin ng paghahati ng Palawan sa tatlong probinsya at isyu ng pagtatanggal ng scholarship sa mga kabataan sasama umano sa isang kilos protesta.
Discussion about this post