ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Datos ukol sa Chinese vessels sa WPS, inilabas ng WESCOM

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
April 8, 2021
in Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Datos ukol sa Chinese vessels sa WPS, inilabas ng WESCOM

Mga namataang barko ng China sa Julian Felipe Reef na aabot umano ng mahigit 266.

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Inilabas ng Western Command (WESCOM) ang datos ng nakalap nilang bilang ng mga barko ng Tsina na namataan sa West Philippine Sea (WPS) mula huling linggo ng Marso hanggang unang linggo ng Abril.

Sa ipinakitang comparative data ni WESCOM Commander, VADM. Ramil Roberto Enriquez kasabay ng isinagawang ikalawang pagpupulong ng Wescom Defense Press Corps (WDPC) kasama ang nagbabalik na pinuno ng Public Affairs Office (PAO) ng WESCOM na si Capt. Cherryl Tindog, nakasaad na patuloy ang presensiya ng mga barko ng China sa WPS.

RelatedPosts

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills

New PWRCC head assumes post

Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects

WESCOM Commander, VADM. Ramil Roberto Enriquez

Ani VADM. Enriquez, mula sa Intelligence, Surveillance, Reconnaissance (ISR) flight sightings at land based sightings ang nakuha nilang datos. Aniya, ang ISR ay kuha ng eroplano habang ang land based data ay mula sa mga sundalong nakadestino sa Pag-asa Island, Lawak, Patag, Panata at Kota.

Sa datos mula sa ISR flight sightings at land based sightings mula noong March 26, nasa 266 barko ang kanilang naitala, noong March 29 ay 200, noong Marso 30 ay 239, noong Marso 31 ay 13, at  noong Abril 3 ay 177. Sa land based sightings naman, noong March 27 ay 30, March 28 ay 34, April 1 ay 16, Abril 2 ay 10 at Abril 4 ay siyam.

Sa mga kuha mula sa mga nagpatrolyang eroplano ng WESCOM, sa nakitang 266 barko noong Marso 26, pinakamarami sa mga ito ay namataan sa Julian Felipe (Whitsun) Reef na umabot sa 199; sa 200 noong Marso 29 ay 115 sa Kennan (Chigua) Reef, sa 239 noong Marso 30 ay 92 ang nasa Kennan Reef, at sa 177 noong Abril 3 ay 99 sa Gaven Reef.

Sa land based sightings naman noong Marso 26 ay mayroong 26 sa Pag-asa Island and Cays hanggang Marso 27 at umabot pa sa 31 noong Marso 28. Bumama naman ito sa 11 noong Marso 11 hanggang sa dalawa na lamang noong Abril 4. Sa pinakahuling tala ng WESCOM noong Abril 4, parehong isang barko ang nakahimpil sa Patag, Panata at Kota at apat naman sa Ayungin Shoal.

“Pero ito, hindi ito conclusive kasi itong mga area na pinupuntahan namin, hindi namin ito naliliparan ng isang pasada lahat. Ang listahan nila, mga sampu lang ‘yong features [na napupuntahan]—sa Reedbak, Sandy Cay, sa Julian Felipe [Reef], baba [riyan sa] ng Fiery Cross Reef,” ani VADM. Enriquez.

Aniya, ito ang kanilang nakita ngunit sa kanilang kabatiran ay 300 ang lahat ng barko sa bahaging iyon ng WPS.

“Kaya ang ginagawa namin, dadalasan namin ang lipad para makita sana namin, ang problema, isang eroplano lang ang ibinigay. So, ‘yong nililiparan nila, hindi talaga ‘yon ‘yong buong West Philippine Sea. Kasi ang West Philippine Sea ay hanggang Scarborough Shoal,” ayon pa sa pinuno ng Western Command.

Ibinahagi ng opisyal na mula Marso 26, ang utos na iniatas sa kanila ay araw-araw na patrolyahan ang Julian Felipe Reef ngunit hindi lamang umano nila ito magawa ng lubusan dahil wala namang dumating na eroplano.

“Kaya kung may discrepancy o may kasabay, mas kukunin namin [kuha] ng eroplano pero kung walang lipad itong [nakamarka ng] pula (landbased sightings), ito ‘yong mga nakikita ng tropa natin—medyo reliable na rin ‘yan pero ‘yong malapit lang sa kanila. Siguro, malayo na ‘yong 10 kilometers; hindi na nila makikilala ‘yon,” aniya.

KAILANGAN NG MAS MARAMING EROPLANO

“Hindi namin sila mahagip-hagip  [lahat], kailangan [sana] namin [na] sabay-sabay ang [paglipad ng] tatlo o apat na eroplano para kita lahat. ‘Yong niliparan nila [nakaraan],  kaya nasama ang Reed bank dahil may report ‘yong ating mga fisherman na may ilaw-ilaw doon, kaya nag-divert doon bago bumama sa Julian Felipe [Reef] via Pag-asa [Island],”  paliwanag pa niya.

Sa usapin sa Julian Felipe Reef, ani VADM. Enriquez, sa huling patrolya na kasama siya noong  Enero 13 ay 61 pa lamang ang mga Chinese ship ang kanilang namataan ngunit hindi umano masyadong napagtuunan ng pansin ng National Government. Dumami naman umano ito ng 220 noong Marso 7, batay sa ulat Philippine Coastguard.

Sa kabila nito, tinuran ni VADM. Enriquez na sa isinagawa nilang threat assessment sa Julian Felipe Reef ay “maliit na threat” lamang ang kanilang nakikita dahil wala naman umanong mga Pilipinong mangingsida na tumutungo roon.

Samantala, ang iba pang area na nakasaad sa comparative data buhat sa WESCOM ay ang Paredes Reef (Vietnam), Mabini (Johnson) Reef, Parola, Lawak, Likas, Rizal Reef, Panganiban Reef, Kagitingan Reef, Zamora Reef, at Reed Table Mount.

Tags: Intelligence Surveillance Reconnaissance (ISR)Julian Felipe ReefWescom Defense Press Corps (WDPC)West Philippine Sea (WPS)Western Command (WESCOM)
Share36Tweet23
ADVERTISEMENT
Previous Post

Wanted sa kasong rape sa Bulacan, arestado sa Bayan ng Roxas

Next Post

2 Barangay sa Busuanga, kasalukuyang naka-lockdown dahil sa COVID-19

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills
Defense

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills

April 28, 2026
New PWRCC head assumes post
Government

New PWRCC head assumes post

April 24, 2026
Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects
Provincial News

Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects

April 23, 2026
BFAR distributes seaweed farm inputs to 200 fisherfolk in Roxas town
Provincial News

BFAR distributes seaweed farm inputs to 200 fisherfolk in Roxas town

April 22, 2026
Palawan commemorates 81st Liberation Day
Provincial News

Palawan commemorates 81st Liberation Day

April 22, 2026
NHA holds people’s caravan in Coron town
Provincial News

NHA holds people’s caravan in Coron town

April 21, 2026
Next Post
2 Barangay sa Busuanga, kasalukuyang naka-lockdown dahil sa COVID-19

2 Barangay sa Busuanga, kasalukuyang naka-lockdown dahil sa COVID-19

Quarantine Facilities sa Puerto Princesa, malapit nang mapuno

Quarantine Facilities sa Puerto Princesa, malapit nang mapuno

Discussion about this post

Latest News

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills

April 28, 2026
City, PMHA establish mental health and wellness clinic

City, PMHA establish mental health and wellness clinic

April 24, 2026
New PWRCC head assumes post

New PWRCC head assumes post

April 24, 2026
City trains more staff in basic life support

City trains more staff in basic life support

April 23, 2026
Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects

Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects

April 23, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15256 shares
    Share 6102 Tweet 3814
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11711 shares
    Share 4684 Tweet 2928
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10088 shares
    Share 4035 Tweet 2522
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9746 shares
    Share 3898 Tweet 2436
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing