ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Environment

Info campaign ng mga anti-coal advocates, sinabayan ng ‘silent rally’ ng mga pro-coal supporters

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
October 14, 2019
in Environment, Provincial News, Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Info campaign ng mga anti-coal advocates, sinabayan ng ‘silent rally’ ng mga pro-coal supporters

Photo by Hanna Camella Talabucon / Palawan Daily News

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Nasa tinatayang 600 anti-coal advocates ang nagsagawa ng general information and education campaign sa RVM Gymnasium na sinabayan naman ng “silent rally” ng nasa tinatayang lalagpas 200 na pro-coal advocates nitong Sabado, Oktobre 12.

Sa panayam ng Palawan Daily News kay Kagawad Farman ng Barangay Bato-Bato inilahad nito na ang kanilang mga kasamahan na karamihan ay residente din ng naturang barangay ay kusang-loob na sumama sa isinagawang pagsuporta.

RelatedPosts

Mga bagong halal na opisyales ng Tourism Office, pormal nang nanumpa sa harapan ni Gob. Alvarez

Limang kalalakihan, tiklo sa ilegal na tupada sa Puerto Princesa

Governor Amy Alvarez, Binisita si Mayor Bayron upang pag-usapan ang mga proyektong pang-kaunlaran

Dagdag pa ni Farman, ang mga ito raw ay naniniwala na ang pagsulong ng Coal-Fired Power Plant sa bayan ng Narra ay makakatulong sa matagal ng paulit-ulit na brownout na nangyayari sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Palawan.

“Mas marami kami ngayon kasi siguro mas marami ng tao ang nakaunawa. Na-analyze na nila ang sitwasyon,” anya ni Farman.

Samantala, sa panayam naman ng Palawan Daily News kay Kapitan Ernesto Ferrer ng Barangay Bato-Bato, ipinaalam nito na nagsagawa sila ng pangalawang silent rally upang maipaunawa sa publiko na ang pagkakaroon ng Coal-Fired Power Plant sa kanilang barangay ay hindi nangangaluhugang pagkasira ng kalikasan. Bagkus, ito raw ay daan tungo sa progresong inaasam ng bawat Palawenyo.

“Silent rally lang upang mapakita lang namin ang aming layunin,” anya ni Ferrer.

Ayon din kay Ferrer, kanila na umanong binigyan ng “business permit” ang DMCI Power Corporation kamakailan, upang magamit ng naturang kumpanya sa pagproseso ng kanilang mayor’s permit gayundin ang kinakailangang business permit at iba pang clearance at mahalagang dokumento.

“Meron na kaming binigay na business permit sakanila para magamit nila sa pagkuha nila ng mayors permit at building permit sa engineering office,” ani ni Ferrer.

Samantala, kasabay ng silent rally ng mga pro-coal protesters sa Narra Parkway, ikinasa din ng mga anti-coal advocates ang kanilang nakatakdang “General Public Hearing” o information and education campaign sa nasabing bayan kung saan ito ay dinaluhan ng humigit-kumulang 600 kataong hayagang tumututol sa pagpapatayo ng nasabing planta sa kanilang munisipyo.

Kabilang sa mga dumalo ay mga miyembro ng kilalang No To Coal Movement, mga estudyante mula sa Narra National High School, mga guro ng San Francisco Javier College (SFJC), mga volunteers, representative ng simbahan, at ilang faculty member at staff ng Western Philippine University (WPU) gayundin ang maraming pribadong indibidwal.

Ayon kay Joel Pelayo, tumatayong spokesperson ng No To Coal Movement, kanila umanong inasahan na magsasagawa din ng “silent rally” ang mga pro-coal advocates kasabay ng kanilang nakatakdang pagpupulong ngayong araw.

“Actually inasahan na namin ang gagawin nila. Kasi ‘yan naman talaga ang technique nila. Gumawa ng distraction para malihis ‘yung issue,” ani ni Pelayo.

Dagdag ni Pelayo, kanila din umanong inimbitahan ang mga opisyal ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng pormal na liham, subalit, sa kasamaang-palad, sa 12 miyembro ng legislative council, tanging si Kagawad Amalia Gimpaya lamang ang dumalo sa nasabing pagpupulong.

“Lahat naman sila pormal nating inimbitahan na dumalo pero sadly si Kagawad Gimpaya lang ang nandito. Sa part namin, okay lang yun. Nasa sa kanila naman ‘yan, basta kami ginawa namin ang parte namin,” anya ni Pelayo.

Ilang rebelasyon din ang kinuwento ng mga taong nagmula sa anti-coal movement na boluntaryo umanong nagsalita ayon kay Pelayo.

Kabilang sa mga nagsalita ay si Annalyn Rami, isang inang nanindigan upang tutulan ang Coal-Fired Power Plant sa Narra. Lahad ni Rami, sila umano ay tumira ng limang taon sa Rio Tuba, kung saan may nakatayong isang pribadong Coal-Fired Plant na pag-aari ng Coral Bay Nickel Corp. (CBNC) at Rio Tuba Nickel Mining Corp. (RTNMC).

Pagpapatuloy ni Rami, nagkaroon ng lung cancer ang isa sa kanyang mga anak dala umano ng usok na ibinubuga ng planta sa kanilang barangay.

“Na-diagnose ang anak ko ng lung cancer. Noong kinausap ko ang doktor, sabi niya sa hangin na nalalanghap ng anak ko ang dahilan. Ang hirap sakin bilang ina na makita ‘yung anak ko na ganoon ang kalagayan,” ani ni Rami.

May mensahe rin si Rami sa mga opisyales na nag-endorso nito.

“Masakit para saamin na ‘yung ibinoto ko ay ‘yun din pala ang sisira sa pinangangalagaan natin. Isa lang masasabi ko, mga muka kayong pera,” dagdag ni Rami.

Bago tuluyang matapos ang pagpupulong, dumating naman si Narra Mayor Gerandy Danao na ikinatuwa ng mga dumalo.

Bago tuluyang matapos ang pagpupulong, dumating naman si Narra Mayor Gerandy Danao na ikinatuwa ng mga dumalo.

“Isa akong magsasaka. Nagtapos ako ng agriculture. Basta kung saan ang boses ng bayan, doon tayo,” anya ni Danao.

Tags: anti-coalDMCI PowerNarrapalawanpro-coal
Share56Tweet35
Previous Post

Berong Nickel Corporation and Punta Baja Fire Brigade to represent MIMAROPA in National Fire Olympics

Next Post

PCSD implements ‘closed season’ of catching ‘suno’ starting November

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO
Provincial News

Mga bagong halal na opisyales ng Tourism Office, pormal nang nanumpa sa harapan ni Gob. Alvarez

July 10, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO
Provincial News

Limang kalalakihan, tiklo sa ilegal na tupada sa Puerto Princesa

July 10, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

Governor Amy Alvarez, Binisita si Mayor Bayron upang pag-usapan ang mga proyektong pang-kaunlaran

July 9, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

Declog Drainage Canals: City Government urged Barangays, public

July 9, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

Mga Proyekto ng pamahalaang panlunsod, pinasinayaan ng

July 9, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase

July 9, 2025
Next Post
PCSD expects more than 200 participants to International Conference on Biosphere and Sustainability

PCSD implements 'closed season' of catching ‘suno’ starting November

DTI: Prices of pork products might increase

Discussion about this post

Latest News

Matanda mula sa Palawan, na-stranded sa Surigao

Diskwento sa Cellphone at libreng sine para sa seniors, isinulong sa kamara

July 14, 2025
Matanda mula sa Palawan, na-stranded sa Surigao

Fewer Chinese Ships in West Philippines Sea- for now

July 14, 2025
Matanda mula sa Palawan, na-stranded sa Surigao

Palawan named best island in southeast asia- again

July 14, 2025
Column: high-rise housing as solution in flood-prone cities

Column: Blu Carbon Ecosystems

July 14, 2025
Matanda mula sa Palawan, na-stranded sa Surigao

City Health office reopens dengue fast lane amidst increasing dengue cases

July 14, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15006 shares
    Share 6002 Tweet 3752
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11215 shares
    Share 4486 Tweet 2804
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10266 shares
    Share 4106 Tweet 2567
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9650 shares
    Share 3860 Tweet 2412
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9008 shares
    Share 3603 Tweet 2252
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing