Isang Asian Palm Civet (Paradoxurus Hermaphroditus) o mas kilala bilang musang, ang isinauli ni Jimmy Bayking, sa Palawan Council for Sustainable and Development (PCSD) noong Huwebes, Marso 16.
Ayon kay Bayking, ganap na 6AM ng umaga habang siya ay nasa kanyang trabaho sa Wescom Road, Barangay San Miguel, Puerto Princesa, ay nakita niya itong tumatakbo at hinahabol ng dalawang aso, kaya kumilos siya upang hulihin at mailigtas ang naturang musang sa mga aso.
Samantala, kasalukuyan ay nasa kustodiya na ito ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) at nakatakdang pakawalan sa natural nitong tahanan.
Paalala ng PCSDS sa mga mamamayan na kung sakali mang magkataong makakita o makahuli ng anomang jri ng buhay-ilang, ay mangyari lamang na i-turn over agad ito sa kanilang tanggapan o maaring tumawag sa hotlines sa pamamagitan ng mga numero ng PCSDS Wildlife Enforcement Unit (WEU) na 09319642128 (TNT) at 09656620248 (TM) o sa pamamagitan ng mga numero ng hotline ng PCSDS Front Desk na 0935-116-2336 (Globe/TM) at 0948-937-2200 (Smart/TNT).
Discussion about this post