Kasalukuyang nagpapagaling sa Southern Palawan Provincial Hospital ang isang lalaki matapos pagtatagain sa ibat-ibang parte ng katawan sa Barangay Calasaguen, Brooke’s Point, Palawan ganap na 7:45 AM Setyembre 29, 2021.
Kinilala ang biktima na si Eardy Manga Segovia, 43 anyos, may asawa, at magsasaka habang ang suspek naman ay kinilala na si Reyne Masuela Mata, 50 anyos, may asawa, magsasaka at pawang residente sa Purok VII, Barangay Calasaguen ng nasabing munisipyo.
Ayon report ng Brooke’s Point Municipal Police Station, pumunta sa bukirin ang biktima ngunit nang dumating ay agad na pinagtataga ng suspek. Mabuti na lamang ay nakatakas ang biktima.
Bago maganap ang insedente ay nagkaroon umano ng alitan ang dalawa noong Setyembre 28, 2021.
Samantala, nadakip naman ng mga awtoridad ang suspek at siya ay mahaharap sa kaukulang kaso.
Discussion about this post