Isang lalaki na itinuturing na most wanted person sa batas ang naaresto ng mga awtoridad bandang 4:15 ng hapon noong Setyembre 2, 2024, sa Barangay Irawan, Puerto Princesa City, Palawan.
Ang nasabing wanted person ay inaresto ng mga tauhan ng Police Station 2 (lead unit) sa pangunguna ni Police Captain Douglas N. Sabando, ASC, PS2, kasama ang Police Station 3, 401st B MC RMFB, Tracker Team ng Puerto Princesa City Police Office, CIU PPCPO, at CIDG PFU PALAWAN.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas at nilagdaan ni Jocelyn Sundiang-Dilig, Presiding Judge ng RTC, Branch 47, Fourth Judicial Region, Puerto Princesa City, na may petsang Agosto 22, 2024. Ang mga kaso ay kinabibilangan ng:
Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A(2) ng Revised Penal Code (RPC), kaugnay ng Republic Act 7610, na may limang kaso. Ang inirekomendang piyansa bawat kaso ay Php 200,000.00.
Discussion about this post