ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Narra Mayor Danao, di naiwasang magparinig sa mga konsehal sa kanyang ‘Ulat sa Bayan’

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
June 20, 2020
in Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Narra Mayor Danao, di naiwasang magparinig sa mga konsehal sa kanyang ‘Ulat sa Bayan’
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Pinaringgan ni Mayor Gerandy Danao ang mga miyembro ng kanilang Sangguniang Bayan kasabay ng pagbibigay niya ng ulat ukol sa mga accomplishment ng kanyang administrasyon sa halos isang taon niyang pamumuno.

Sa “Ulat sa Bayan” ni Danao kahapon, Hunyo 19,  may kaugnayan sa ika-51 anibersaryo ng araw ng pagkakatatag ng Bayan ng Narra ngayong araw, laman din ng kanyang mga talumpati ang ilang mga patama sa karamihan sa mga konsehal.

RelatedPosts

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

344 pigs culled as Palawan steps up ASF containment in Agutaya

“Seventy-five days po akong umikot sa mga barangay, bilang na bilang ko po ‘yan. Araw-araw ko po  talagang inikot ‘yan. Ngayon po, nang matapos ang 75 days, hindi ko akalain na may kaso po ako. Sa loob ng mga araw na ‘yan, hindi po ako lumabas ng Narra, hindi po nakatawid ng Puerto [Princesa]….Ako, nagsakripisyo, ang premyo ko pala kaso!” may diing pahayag ni Mayor Danao.

Mula nang mamuno ang Alkalde, lantad sa publiko ang hindi magandang relasyon ng executive branch sa mga lokal na mambabatas, hanggang sa umabot sa mga pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

“Hindi ko alam kung bakit ako kinasuhan, na dapat sana, kung may kasalanan akong ginawa, dapat tinuwid po nila ako—binulungan nila ako, kinalabit nila ako na ‘Mayor, mukhang sabit tayo riyan!’ Wala pong nangyari sa akin. Nalaman ko na lang po na may problema na ako,” ayon pa sa Punong Bayan.

Nagbiro pa siyang sa lahat ng mga ikinaso sa kanya ng Sangguniang Bayan.

“Sa  mga kasong ibinigay nila sa akin, ‘pag ito hindi nila napatunayan, pitikin ko na lang ang tenga nila,” aniya.

Ukol naman sa P9 milyon na inaakusa sa kanya ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Narra na kanyang ibinulsa, aniya, ang salaping ito ay nai-order nila ng mga COVID-19 na mga kagamitan. Hindi lamang umano na-audit agad dahil walang byahe nkaraan.

Sa “Project Ani” naman, aniya, ang orihinal na plano para sa nasabing proyekto ay bumili ng palay ngunit nang nalaman umano “nilang” maganda ang proyekto “ay sinunggaban nila ito;  niyakap nila ang proyekto.” Pinuntahan umano ang NFA at kinausap na sila na ang sasalo ng mga palay na bibilhin ng munisipyo at ang magiging pondo ay P20 milyon.

Bunsod umano nito ay binago niya ang plano at napagpasyahang magtatayo na lamang  ang LGU ng solar drying, mechanical drying, bodega at gilingan upang kumita ang munisipyo. Iyon umano ang dahilan kaya pumunta siya noon sa Muntinlupa at tumuloy ng Nueva Ecija upang mag-canvass ng nasabing mga kagamitan.

Aniya, buwan pa lamang ng Marso ay naipasok na nila ang papel sa Sangguniang Bayan ngunit hanggang ngayon wala pa rin silang aksyon.

“Kung natupad ‘yon, ngayon sana, wala na tayong kaproble-problema sa bigas….’Yon po ang plano ko kaya pumunta kami [noon] sa Nueva Ecija, kasama po namin ang dalawang kagawad na isip namin, mabibigyan ng agarang aksyon kasi kailangan po talaga natin ‘yon kapag nangyari ang pandemic. Ngayon, wala na sana tayong problema sa bigas,” giit niya.

“Ang sabi natin, tayo ang ‘Rice Granary,’ pero no’ng dumaan ang pandemic, mahal pa rin ang bigas,” dagdag pa niya.

BUWELTA NI DANAO

Ukol naman sa akusasyon sa kanya na pabaya siya sa trabaho, aniya, wala pang alas siete ng umaga ay nasa tanggapan na siya ng Punong Bayan at kapag hindi natapos ang mga pipirmahan at busy, ay tinatapos niya ito habang umaandar ang sasakyan.

Buwelta niya sa mga konsehal, sila ang hindi sila dumadalo sa Flag Ceremony tuwing Lunes gayung siniswelduhan sila ng gobyerno.

Pinaringgan din niya ang dating administrasyon ni former Mayor Lucena Demaala na aniya, sa dami ng mga casual employees na nagsilbi sa lokal na pamahalaan ay hindi man lang nagawang pagtuunan ng pansin. Kaya sa kanyang liderato umano ay ginawa niyang mga regular employees ang mga nasa 60 indibidwal na nakadestino na ngayon sa iba’t ibang tanggapan.

Kabilang din sa kanyang mga inungkat ukol sa sinundang liderato ay ang P94 milyon na utang ng minahan na nakasaad sa Treasury. Kabilang pa rito ay ang trucking services sa loob ng minahan na pagmay-ari umano ng pamangkin din ni ex-Mayor Demaala. Matatandaan namang may nauna ng pahayag si Demaala sa Palawan Daily News nang pumutok ang isyu kamakailan.

Ilan naman sa bahagi ng accomplishment report  ni Mayor Danao, ibinida naman niya ang mga accomplishment niya sa halos wala pang isang taon, lalo na ang mga pagtugon sa COVID-19 crisis, mga nagawang ordinansa, mga at mga kinakailangang hakbang sa turismo, pang-ekonomiya, at kaunlaran.

“Kung ang dating administrasyon, nagtanim ng Narra—maganda , tumubo, namulaklak pero hindi namunga. Si Mayor Danao, magtatanim, hindi pa nakabulaklak, namunga na!”  ang binitiwan pang pangako ng Alkalde para sa Narraneans.

Samantala, sa talumpati ng MLGOO ng Narra na si Leny Escaro, itinagubilin niya sa kasalukuyang pamunuan na sundin ang mga gabay para sa  matino, mahusay at maasahang lokal na pamahalaan na kung saan ang gagawin ay nakaugat sa transparency, responsiveness, accountability, at pakikilahok.

Tags: Danao State of the Municipal Addressgerandy danaoNarra Mayor
Share118Tweet74
ADVERTISEMENT
Previous Post

City Council wants alcohol breath analyzers vs drunk drivers

Next Post

Puerto Princesa may update protocols in wake of first ‘possible local transmission’

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials
Provincial News

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

October 13, 2026
CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum
Provincial News

CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

October 10, 2026
344 pigs culled as Palawan steps up ASF containment in Agutaya
Agriculture

344 pigs culled as Palawan steps up ASF containment in Agutaya

October 7, 2026
Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations
Maritime

PCG, rescue teams, hindi pa rin makadikit sa MV June Aster dahil sa usok na lumalabas dito at maging ang malakas na hangin sa lugar

September 10, 2026
Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations
Maritime

Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations

September 10, 2026
Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration
Feature

Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration

August 26, 2026
Next Post
Puerto Princesa may update protocols in wake of first ‘possible local transmission’

Puerto Princesa may update protocols in wake of first ‘possible local transmission’

City Health Office, nilinaw na ‘local transmission’ lamang ang panibagong kaso ng ONP at hindi ‘community transmission’

City Health Office, nilinaw na ‘local transmission’ lamang ang panibagong kaso ng ONP at hindi ‘community transmission’

Discussion about this post

Latest News

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

October 13, 2026
GCash, nakakatulong umano sa mga Pinoy na makatipid sa gitna ng inflation ayon sa isang financial advocate

GCash, nakakatulong umano sa mga Pinoy na makatipid sa gitna ng inflation ayon sa isang financial advocate

October 13, 2026
CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

October 10, 2026
PPCPO walang naitalang insidente sa araw ng halalan

Civil service for workers, elections for bosses

October 9, 2026
Senate backs social media restrictions for children under 18

Senate backs social media restrictions for children under 18

October 9, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15296 shares
    Share 6118 Tweet 3824
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11849 shares
    Share 4740 Tweet 2962
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10337 shares
    Share 4135 Tweet 2584
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10306 shares
    Share 4122 Tweet 2577
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9767 shares
    Share 3906 Tweet 2442
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us