Pinasaringan ni Cynthia Sumagaysay-Del Rosario ng One Palawan Movement ang ilang halal na opisyal sa lalawigan na walang sariling paninindigan sa pagtutol sa pagtatatag ng tatlong probinsya ng Palawan.
Aniya, kontrolado o di kaya hawak ang ilang opisyal sa lalawigan kaya inaasahan na ng kanilang grupo na gagamitin ng mga sumusulong sa pagtatatag ng tatlong probinsya ang mga Barangay Kapitan sa pangangampanya.
“Alam mo expected namin na walang susuporta sa one Palawan, na lahat ng mga politiko ay walang independence masyado dito kailangan ay may hawak or kontrolado, ngayon expected namin itong mangyari na uutusan yung mga barangay captain na mangampanya, ang pag-asa namin ay yung mga taumbayan, kasi yung taumbayan, sila ay may kapangyarihan pa rin bumoto sa plebisito,” ani Del Rosario.
Samantala nanindigan muli ang One Palawan Movement na hindi solusyon ang paghahati ng Palawan para maihatid nang pantay ang serbisyo sa bawat sulok ng lalawigan.
“yung pinakasolusyon namin [sa One Palawan] ay kesa hatiin ang Palawan sa tatlo, palakasin ang mga barangay at munisipyo. Kasi yung lakas nila ay hindi nadarama ng taumbayan [dahil] nakaasa sila sa kapitolyo,” dagdag pahayag ni Del Rosario.
Discussion about this post