ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

P50-M budget ng Baragatan, sisiguruhing sulit at ‘spectacular’ sa tulong ng PTC

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
February 20, 2026
in Provincial News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
P50-M budget ng Baragatan, sisiguruhing sulit at ‘spectacular’ sa tulong ng PTC

File photo

Share on FacebookShare on Twitter

RelatedPosts

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

344 pigs culled as Palawan steps up ASF containment in Agutaya

Print Friendly, PDF & Email
Hindi na basta-basta ang magiging selebrasyon ng taunang Baragatan Festival ngayong Hunyo dahil sa unang pagkakataon, pormal nang nakipag-alyansa ang kapitolyo sa mga miyembro ng pribadong sector ng lalawigan upang masiguro na ang darating na Baragatan Festival 2026 ay hindi lamang magiging isang lokal na pagtitipon, kundi isang world-class na selebrasyon.

Ito ay sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) na nilagdaan ni Palawan Governor Amy Alvarez at ng Palawan Tourism Council (PTC) sa pangunguna ni Presidente Rix Rafols, bilang katuwang sa pagpapatakbo ng festival.

Ayon sa Gobernadora, layunin niyang “i-maximize” ang pondong nagkakahalaga ng P50 milyon para sa selebrasyon. Sa mga nakaraang taon, napuna niya na tila hindi nagtutugma ang inilalaang budget sa kinalalabasan ng pista.

“I want this Baragatan to be maximized. Lahat ng pondo ay i-maximize natin sa lahat ng ganap dito sa Palawan. Through PTC’s help, we can do it. I am also not a one-woman show; I need all the help that I can get,” pahayag ni Alvarez.

Sa ilalim ng kasunduan, ang PTC ang mamamahala sa pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders, koordinasyon sa komunikasyon, at ang mahalagang gawain ng paglikom ng mga sponsors o sponsorship mobilization. Sila rin ang nasa likod ng mas pinaigting na program scheduling upang masiguro na ang mga taga-munisipyo ay mahikayat na bumisita sa Puerto Princesa City.

Ayon naman kay Rix Rafols, ang sining, kultura, at pamana ang magiging pundasyon ng kanilang plano. Naniniwala ang PTC na ang kultura ang nagsisilbing ugat na nagpapatatag sa atin, habang ang sining naman ang nagbibigay ng “pakpak” upang ang lalawigan ay makalipad at makilala sa malayo. Layunin ng kanilang grupo na ipakita ang natatanging ganda ng bawat munisipyo sa Palawan sa loob ng isang entablado, habang sinisiguro ang operational readiness ng bawat aktibidad.

Bagama’t aminado si Governor Alvarez na hindi pa agad magiging kasing-laki ng Sinulog ang Baragatan sa taong ito, naniniwala siyang kailangang magsimula sa isang matibay na pundasyon.

Ang pakikipagtulungan sa mga eksperto mula sa pribadong sektor ay ang unang hakbang upang ang taunang pagdiriwang ng pagkakatatag ng Civil Government ay maging isang engrandeng pagtitipon na hindi lamang ipinagmamalaki ng mga lokal, kundi dinarayo rin ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Tags: Amy Roa Alvarezbaragatan festivalPalawan Provincial GovernmentPalawan Tourism Council
Share1Tweet1
ADVERTISEMENT
Previous Post

CAAP, kinondena ang pamamaslang sa opisyal ng Puerto Princesa International Airport

Next Post

‘Kalayaan 16’, pinarangalan bilang mga bayani sa paglaban para sa WPS

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials
Provincial News

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

October 13, 2026
CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum
Provincial News

CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

October 10, 2026
344 pigs culled as Palawan steps up ASF containment in Agutaya
Agriculture

344 pigs culled as Palawan steps up ASF containment in Agutaya

October 7, 2026
Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations
Maritime

PCG, rescue teams, hindi pa rin makadikit sa MV June Aster dahil sa usok na lumalabas dito at maging ang malakas na hangin sa lugar

September 10, 2026
Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations
Maritime

Five dead, 43 rescued, 86 still missing as survivors recall sudden blast and sudden blackout in lower deck accommodations

September 10, 2026
Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration
Feature

Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration

August 26, 2026
Next Post
‘Kalayaan 16’, pinarangalan bilang mga bayani sa paglaban para sa WPS

'Kalayaan 16', pinarangalan bilang mga bayani sa paglaban para sa WPS

City proposes Macarascas-Manalo FMR

City proposes Macarascas-Manalo FMR

Latest News

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

October 13, 2026
GCash, nakakatulong umano sa mga Pinoy na makatipid sa gitna ng inflation ayon sa isang financial advocate

GCash, nakakatulong umano sa mga Pinoy na makatipid sa gitna ng inflation ayon sa isang financial advocate

October 13, 2026
CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

October 10, 2026
PPCPO walang naitalang insidente sa araw ng halalan

Civil service for workers, elections for bosses

October 9, 2026
Senate backs social media restrictions for children under 18

Senate backs social media restrictions for children under 18

October 9, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15294 shares
    Share 6118 Tweet 3824
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11840 shares
    Share 4736 Tweet 2960
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10318 shares
    Share 4127 Tweet 2580
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10306 shares
    Share 4122 Tweet 2577
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9767 shares
    Share 3906 Tweet 2442
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us