Hindi umano kinukunsinte ng Pamahalaang Panlalawigan ang ginawang paglabag ni Palawan DepEd Schools Division Superintendent Dr. Natividad Bayubay sa ipinapatupad na health and safety protocols nang dumating ito sa Lungsod ng Puerto Princesa noong Enero 5 base sa panayam ng Palawan Daily News kay Provincial Information Officer Winston Arzaga.
“Walang kinalaman sa pag-uwi [ni Bayubay] yung Provincial Government. Nakiusap [at] nakisakay sa eroplano ni Governor eh si governor din naman kung meron din lang espasyo at ito ay opisyal naman sa probinsya. Marami ng pinasakay dyan…basta kinakailangang isakay hindi yan pinagdadamot. Pero ika nga yung mga pangangailangang makipag-ugnayan ka sa mga IATF. Pinasakay ka na nga sa eroplano pati ba naman yun eh poproblemahin pa namin so that’s between her and the Local IATF dito sa Puerto Princesa,” Ani Arzaga.
Ayon pa kay Arzaga, ang tanggapan ng School Division Superintendent ay narito sa Lungsod ng Puerto Princesa kaya sila ang dapat gumawa ng kaukulang aksyon at hindi makikialam ang Provincial Government.
“Walang special consideration dyan ‘pag lumabag ka, lumabag ka. It’s the duty of the City IATF. Make Dr. Bayubay accountable for her deeds. Ang DepEd, dito yan sa City of Puerto Princesa yung opisina. Ayaw nang makisawsaw ng Provincial IATF diyan [kasi] jurisdiction ng city yan eh so we have to respect their jurisdiction…it’s their call. Dapat iimplement yung mga batas ng city…,” pahayag ni Arzaga.
Samantala sa panig naman ng Pamahalaang Panlungsod ay hiniling ni Puerto Princesa City Administrator sa mamamayan na magreklamo sa ginagawang paglabag ni DepEd Superintendent Bayubay.
Discussion about this post