Matagumpay na naisagawa ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Enterprise ang “Reinventing Voice and Data Communication for LGU’s Digital Transformation Roadmap” at “Smart City Program Orientation”, katuwang ang Provincial Management Information System and Development Program (PMISDP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, na pinamumunuan ni Gob. V. Dennis M. Socrates sa Governor’s Conference Room ng gusaling kapitolyo kamakalawa.
Naging layunin ng “Smart City Program” ang makapagbigay sa lokal na pamahalaan at komunidad ng mga makabagong serbisyo sa pamamagitan ng digital platform upang mapabuti ang serbisyong pampubliko at pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan sa pamamagitan ng Information Communication Technology (ICT).
Ilan lamang sa mga serbisyong nakapaloob dito ay ang Managed Broadband Network Solutions (MBNS) na makakapagbigay ng libreng koneksyon sa bawat barangay hall, municipal hall, public schools. at public areas sa lalawigan.
Inaasahang marami ang mabebenipisyuhan ng naturang aktibidad.
Discussion about this post