Posibleng tumaas ang bayarin ng mga konsumer sa tubig dahil sa inaasahang power rate adjustment, ayon sa katatapos na pagpupulong ng mga opisyal ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) at lokal na media.
Batay sa inaprobahan ng Local Water Utilities Administration (LWUA), tataas ang singil ng PPCWD ng 2.50 pesos kada cubic meter. Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng kuryente at gasolina na ginagamit sa operasyon ng mga pasilidad ng tubig. Gayunpaman, maaaring bumaba ang singil sa tubig sakaling bumaba rin ang gastos sa kuryente.
Gumagamit ang PPCWD ng kuryente upang magpatuloy sa pagbibigay ng sapat na supply ng tubig sa buong lungsod. Dahil umaabot ng mahigit limang hanggang tatlong milyong piso ang binabayaran sa kuryente bawat buwan, nababawasan ang pondo para sa iba’t ibang proyekto ng water district, kaya’t ang layunin ng PPCWD ay mapanatili at mapalawak ang kanilang water supply system at tuloy tuloy ang mga proyekto.
Discussion about this post