Inamin ni Jojo Gastanes sa panayam ng Palawan Daily News na malaking sindikato ang nasa likod ng pangingikil kay suspended Narra Mayor Gerandy Danao, base narin aniya sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Dagupan.
Ayon pa kay Gastanes sa kabila na may nahuli na ang CIDG na mga suspek sa pangingikil kay suspended Mayor Danao ay nakakatanggap ito ng pagbabanta sa text mula sa sindikato.
“Tini-text pa si Mayor Danao ng grupo at binabantaan nila… may nagbabanta, maaaring mga kasamahan pa yun [ng mga sindikatong nahuli], malaking grupo pala ‘yan sabi ng CIDG [Dagupan], pero atleast nahuli na namin ang pinaka puno [ng grupo] nito,” ani Gastanes.
Binanggit din umano ng CIDG na marami ng biktima na mga local officials ang grupo ng mga suspek at posibleng nag ooperate ang mga ito sa lalawigan ng Pangasinan.
“Kasi marami na sila [mga sindikato na] nakuha na pera sa ibang local na official, doon sila nahuli sa Dagupan City, doon nila nakuha [ang pera] sa Arellano Branch (Palawan Pawnshop)… Alam din ng CIDG na they’re operating within Pangasinan, monitor na nila [CIDG] yan, kasi marami ng sumbong na nagpadala ng pera more on Pangasinan,” pahayag ni Gastanes.
Nagtataka rin sila Gastanes kung bakit alam ng sindikato ang kinakaharap na issue ni suspended Narra Mayor Danao.
“Sindikato na nga yan at alam nila ang istorya ng isang tao… yung kaso ni Mayor Danao ba’t nila malalaman, maaaring nagbabasa o di kaya may researcher sila,” dagdag na pahayag ni Gastanes.
Discussion about this post