Pinarangalan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Environmental Management Bureau (EMB) MIMAROPA ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa kanilang masigasig na pagsisikap na mapanatili ang malinis na hangin at tubig sa lalawigan.
Ginawaran ng pagkilala ang pamahalaang panlalawigan sa isinagawang Air and Water Forum noong Pebrero 16-18, 2025 sa Metro Manila. Ito ay bilang pagpapahalaga sa epektibong pagpapatupad ng Pollution Control Program ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO).
Ang plaque of recognition ay opisyal na ipinasa ni PG-ENRO Chief Atty. Noel Aquino kay Gobernador Dennis M. Socrates bilang patuna
y ng patuloy na pangunguna ng Palawan sa pangangalaga sa kapaligiran.
y ng patuloy na pangunguna ng Palawan sa pangangalaga sa kapaligiran.
Discussion about this post