Pinaburan ng Court of Appeals (CA) ang pagsipa sa 18 mga opisyal at empleyado ng Palawan Provincial Government matapos na masangkot sa maanumalyang 2.57 Billion pesos Malampaya Fund.
Hindi pinaburan ng 17th Division ng CA ang petisyon ng mga nasangkot
sa nasabing iskandalo matapos silang babaan ng unang hatol noon pang November 21, 2014, kung saan ay nahatulan sila ng dismissed from the service.
Agad naman ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagkansela sa kanilang eligibility, at perpetual disqualification from holding public office at hindi na pagbibigay ng exam sa civil service.
Kasama sa Ombudsman’s rulling sina: Renato Abrina, engineer IV; Rolando Bonoan Jr., Sangguniang Panlalawigan member; Bayani Buenaventura, engineer III; Manuela Cabiguen, assistant provincial engineer-administration/inspectorate team leader; Orlando Colobong, provincial accountant; Ronelo del Socorro, senior technical audit specialist; Ferdinand Dilig, provincial general; Pedro Gatinga Jr., engineer IV; Edwin Iglesia, state auditor II; Romeo Llacuna, Engineer III; Samuel Madamba II, former provincial planning and development coordinator; Luis Marcaida, provincial budget officer; Alfredo Padua, engineer IV/chief quality control division, Tommy Panes, engineer II; Rosario Pascual-Abacial, engineer II; Pepe Martinez Patacsil, engineer IV; Federico Rubio Jr., assistant provincial engineer-operation/inspectorate team leader; Bernard Zambales, engineer III and Elena Rodriguez, former provincial legal officer.
Ito ay sa base sa 33 pahinang desisyon na pinermahan ni Associate Justice Mario V. Lopez.
Discussion about this post