Arestado ng Roxas Municipal Police Station, 2nd Palawan PMFC at PHPT ang most wanted person at Rank No. 9 ng Municipal Level sa So. San Dionisio, Barangay Malcampo, Roxas, Palawan nitong Oktobre 19.
Kinilala ang suspek na si Alejandro Tabo-Tabo Cadaguit Sr, 50 anyos, may asawa, magsasaka at residente sa Brgy. New Barbacan.
Inaresto ang suspek dahil sa ito ay mayroon warrant of arrest na inilabas ni Judge Emmanuel Quial Artazo of Family Court, Branch 14, Taytay, Palawan nitong setyembre 15, 2021 sa kasong Child Abuse.
Kinakailangan naman makapaglaan ng pyansa sa kaso ang suspek sa halagang P80,000.00.
Kaugnay niyan ang suspek nasa pangangalaga na ng PNP para sa desposisyon.
Discussion about this post