PUERTO PRINCESA CITY — Pumanaw na ang isang tinaguriang primary suspect sa pagpaslang sa dalawang dayuhang Japanese sa Galoc Island sa Coron, Palawan noong May 30, 2017.
Si Sonny “Tatan” Aniciete ang ama ng isang grupo o ang Kumando Brotherhod at nakakulong sa Puerto Princesa City Jail.
Pumanaw si Aniciete pasado alas 8:00 ng umaga kahapon, ika-19 ng Hulyo.
Ang sanhi ng kamatayan nito ay dahil sa stage 4 liver cancer at ilang araw din ito nakipaglaban sa kanyang sakit kong saan naka-confine sa isang pribadong pagamutan dito sa lungsod.
Labis naman ang pagdadalamhati ngayon ng mga kaanak at pamilya dahil sa pagkawala nito kung saan sa mga huling sandali umano ng buhay ni Aniciete ay huminge ito ng tawad sa kanyang mga nagawang kasalan.
Discussion about this post