Arestado ng Coron Municipal Police Station ang lalaki na most wanted at top 3 Municipal Level sa Barangay Bintuan, Coron Palawan ika-30 ng Mayo.
Kinilala ang suspek na si Henry Premacio Sadang Jr, 41 anyos, residente sa Sitio Capayas, Barangay Poblacion 6, Coron,
Sa bisa ng warrant of arrest na permado ni Judge Arnel Pecundo Cesar, Presiding Judge of RTC 4TH Judicial Region, Branch 163, Coron Palawan noong ika-29 ng Hulyo 2021, sa kasong R.A. 10883 (NEW ANTI-CARNAPPING LAW).
Kinakailangan na makapagpyansa ang suspek sa kaso nito halagang 300,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Mananatili sa piitan ng Coron PNP si Sadang hangga’t hindi ito nakakapagpyansa.
Discussion about this post