Naaresto ng pulisya ang suspek sa tangkang panggagahasa sa Barangay 3, Roxas, Palawan kagabi, May 24, 9:50 P.M.
Kinilala ang suspek na si Paulo “Pau-Pau” Magbanua Paredes, 19 na taong gulang, binata at residente rin ng nabanggit na lugar.
Base sa spot report na mula sa Palawan Provincial Police Office (Palawan PPO), ikinasa ng mga operatiba ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Emmanuel Artazo ng RTC Branch 14 FC-Taytay para sa kasong attempted rape.
Nagkakahalaga naman ng P120,000 ang inilaang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ni Paredes.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Roxas PNP ang suspek na nakatakdang iharap sa issuing court para sa kaukulang disposisyon.
Discussion about this post