Masaya at punong-puno ng sigla na dumating at nag-imbita nang personal sa bumubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa, si dating Konsehal at ngayon ang kasalukuyang City Sports Director Atty. Gregorio Austria, hinggil sa nakatakdang gaganaping Philippine National Selection 2023 Qualifying for SEAGAMES in Cambodia.
Magsisimula ang pagpili sa mga kampeon mula sa iba’t-ibang larangan ng isports mula sa lahat ng rehiyon ng bansa sa ika-22 hanggang 26, ng Pebrero, 2023.
Ayon kay Austria, napakabilis ng pangyayari dahil, “nung binisita ni Ting Ledesma, Presidente ng Philippine Table Tennis Federation an gating area para sa gaganaping International Table Tennis Championship this coming October ay nagustuhan niya ang venue.”
Bagama’t palagian itong napapakinggan mula sa Punong Lungsod Bayron ngayon ay mangyayari na ang naturang paligsahan ng mga kampeon sa iba’t-ibang larangan ng isports.
Naging mabilis ang paghahandang ginawa ng pamunuan ng City Sports Office kung kaya’t sa loob lamang ng dalawang linggo magsisimula na ang paligsahan.
Discussion about this post