Matapos ang nangyaring aksidente sa Brgy. Sta. Lucia noong Hunyo 10, 2022, kung saan isang Nissan UV o pampasaherong van ang tumaob sa kadahilanang madulas ang kalsada, punaalala ng DPWH na drayber ang may problema at hindi ang kalsada kaya dapat silang mag-ingat.
Ayon sa tagapagsalita ng DPWH 3rd Engineering District na si Engr. Arthur Torillo, nagsagawa sila ng pagpupulong kamakailan upang mabigyang solusyon ang problema.
“So ito po ang napansin namin…kaya po ang ginawa diyan ng construction section natin noong ginagawa pa lang yong kalasada at naglagay na po sila ng mga warning signs…kasi po napapansin na po natin yong aksidente usually nangyayari kapag maulan po… slippery when wet nakalagay po doon sa kalsada,” paliwanag ni Engr. Torillo.
“Pero iyon nga po itong nakaraan nag usap-usap kami dito sa staff meeting namin…ang sabi ng ating District Engineer Amelia B. Fajardo na dagdagan ng warning signs…katulad po nang ginawa natin doon sa may bandang Brgy. Kamuning,” pahayag pa ni Engr. Torillo
Dagdag pa ni Torillo, maglalagay umano sila ng mga early warning signs sa mga lugar na madalas magkaroon ng aksidente partikular sa Brgy. Sta. Lucia tulad din umano nang kanilang ginawa sa may bahagi ng Brgy. Kamuning nang sagayon ay mapaalala nila sa mga motorista kung ano ang dapat gawin kapag mapapadaan sa lugar.
“Ito po ang gagawin namin dito dahil diretsuhan nga po ang kalsada malamang dito mabilis ang patakbo ng mga naaaksidente dito tapos biglang k-kurbada po and then maulan so madulas…so lalagyan po natin iyan ngayon at nagpagawa na po tayo ng accident prone area at slowdon tiyaka yong 40kms/hr na speed limit po,” ani ni Engr. Torillo.
Samantala, nagpaalala naman ang tanggapan ng DPWH 3rd District na laging mag-iingat tuwing biyahe at wala sa kalsada umano ang problema bagkus sa drayber.
“Siguro po panahon na po para maging proactive po tayo…yong mga drayber natin naman sana mag-ingat po sa pagmamaneho…dahil simula po nong lumapad yong kalsada doon po dumami yong aksidente,” saad ni Engr. Torillo.
Discussion about this post