ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News Puerto Princesa City

Mga nagtitinda sa Old Public market, humina ang kita dahil sa problema sa parking area

Mike Escote by Mike Escote
October 30, 2019
in Puerto Princesa City
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Mga nagtitinda sa Old Public market, humina ang kita dahil sa problema sa parking area

Humina umano ang benta ng mga produkto sa Old Public Market dahil sa pinaigting na clearing operations at pagbabawal ng parking sa gilid ng kalsada. Larawang kuha ni Mike Escote/Palawan Daily News

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Nagrereklamo na ang mga magtitinda ng karne at isda sa Old Public Market ng Puerto Princesa City dahil humina na umano ang kanilang benta dahil sa kawalan ng parking area para sa mga mamimili.

Ayon kay Shirley Baltar, dati-rati ay umaabot sa mahigit P100,000 ang kanilang kinikita sa loob ng isang araw na pagtitinda ng karne, ngayon ay nasa P60,000 na lamang ito.

RelatedPosts

City eyes digital payout for allowances

Structure in mangroves area demolished

CDRRMO finalizes hazards contingency plans

“Dati bumebenta kami ng P35,000-50,000 sa hapon lang pero ngayon ay 10,000 na lang,” pagdidiin pa niya.

Sinabi pa ni Baltar na kung noon ay napakarami ng mga namimili tuwing hapon hanggang gabi, ngayon ay napakakunti na lang dahil mas pinipili na umano ng mga mamimili ang mga mall na may parking area.

“Ang problema kasi kapag nag-park ang mamimili, hinuhuli sila at titikitan ng P3,000 kaya doon na lang sili bibili sa mga mall kasi mayroon silang parking lot,” dagdag pa niya.

Samantala, kinumpirma naman ni Vince Padin na nasa 30% ang ibinaba ng kanilang kita sa pagtitinda ng isda.

“Halimbawa P12,000 ang benta namin sa hapon hanggang gabi, ngayon ay nasa P8,000 na lang,” sabi pa niya.

Kaugnay nito ay sinabi naman sa Palawan Daily News ni Teresita Gabayan, Pangulo ng Samahan ng mga magtitinda sa Old Public Market, na problema talaga ngayon ang parking area pero nag-iisip na raw ng paraan ang kanilang opisina.

“Isang malaking-malaking problema talaga ngayon ang parking,” ani ni Gabayan.

Magkagayunman sinabi niya na sa kaniyang palagay ay nagkakaroon lang ng problema ay kung papaanong pasunurin ang mga nagpa-park sa parking area sa bahagi ng Burgos Street.

Mayroon daw naman kasing parking area subalit tumatagal ang pagparada dito ng mga nagtitinda kaya hindi na rin na bibigyan ng pagkakataon na maka-park ng kanilang sasakyan ang mga mamimili.

Pero maliban sa bahagi ng Burgos Street, malaya noon ang mga mamimili na magparada ng sasakyan sa iba pang kalye sa palibot ng palengke.

Matatandaang ipinag utos ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa mga lokal na pamahalaan batay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong kaniyang huling State of the Nation address (SONA) na alisin ang mga nakaharang sa mga kalsada at sidewalk kabilang na ang mga nakaparadang sasakyan sa daan.

Dahil dito ay nanawagan ngayon ang mga nagtitinda sa pamahalaan na maglagay ng parking area para bumalik muli sa palengke ang mga mamimili at bumalik na rin ang sigla ng kanilang benta.

Tags: marketold marketold public marketparkingpuerto princesapuerto princesa city
Share172Tweet108
ADVERTISEMENT
Previous Post

Nograles: Ang gusto natin is better services para sa ating mga kababayan’

Next Post

P36-million evacuation center opens in Brooke’s Point

Mike Escote

Mike Escote

Related Posts

City eyes digital payout for allowances
City News

City eyes digital payout for allowances

May 18, 2026
Structure in mangroves area demolished
City News

Structure in mangroves area demolished

May 18, 2026
CDRRMO finalizes hazards contingency plans
City News

CDRRMO finalizes hazards contingency plans

May 14, 2026
PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs
City News

PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs

May 8, 2026
BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa
Agriculture

BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa

May 5, 2026
City News

City crafts contingency plan for sanitary landfill

May 4, 2026
Next Post
P36-million evacuation center opens in Brooke’s Point

P36-million evacuation center opens in Brooke's Point

HPG, pinag-iingat ang mga motorista ngayong Undas; DPWH, naka-alalay rin

HPG, pinag-iingat ang mga motorista ngayong Undas; DPWH, naka-alalay rin

Discussion about this post

Latest News

Calmia Nickel strengthens support for education through Brigada Eskwela

Calmia Nickel strengthens support for education through Brigada Eskwela

June 12, 2026
Legazpi calls for stronger safeguards for student-athletes after Ateneo drowning tragedy

Legazpi calls for stronger safeguards for student-athletes after Ateneo drowning tragedy

June 11, 2026
Pinoy Workers’ Legazpi backs expanded retirement benefits for judges

Pinoy Workers’ Legazpi backs expanded retirement benefits for judges

June 3, 2026
SM in the Visayas win Silver at prestigious ICSC MAXI Awards

SM in the Visayas win Silver at prestigious ICSC MAXI Awards

June 2, 2026
Congress pushes for strengthening energy and supply security

Congress pushes for strengthening energy and supply security

May 18, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15266 shares
    Share 6106 Tweet 3817
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11725 shares
    Share 4690 Tweet 2931
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10303 shares
    Share 4121 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10148 shares
    Share 4059 Tweet 2537
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9751 shares
    Share 3900 Tweet 2438
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing