ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Alkalde ng Narra, naglabas ng saloobin sa pagpapauwi ng mga LSI at ROFs

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
June 21, 2020
in Provincial News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Ex-mayor Demaala at iba pang dati at incumbent officials ng Narra, kinasuhan ni Mayor Danao
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Naglabas ng saloobin si Mayor Gerandy Danao ukol sa pagpapauwi sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipinos (ROFs) sa Lalawigan ng Palawan.

Ayon sa Alkalde, sa naganap na “Ulat sa Bayan” kamakailan, kung siya ang tatanungin ay hindi muna niya pauuwiin ang nasabing mga indibidwal at bibigyan na lamang ng ayuda dahil wala ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ngunit ngayon ay mayroon ng mga bagong naitala.

RelatedPosts

Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

BFAR warns public vs Box jellyfish

“Noong nagmi-meeting po kami, sinasabi ko talaga na kung pwede po, ‘wag po sanang magpabiyahe ng barko at eroplano na mag-uwi po ng tao sa Palawan kasi ang Palawan walang sakit. Ang nangyari po, sa kagustuhan po ng ating Presidente na iuwi po ang ating mga kababayan sa kani-kanilang lugar, ako po talaga, ayaw ko sanang mangyari ‘yon. Sabi ko nga, sana i-sacrifice na lang, sustentuhan na lang sana [sila] kung kaya namang gawin, mas mainam po sana ‘yon. Kagaya po ngayon, mayroon na tayong positive na galing Maynila. Nakatatakot, baka mamaya makatawid sa atin, wala na tayong kadepe-depensa,” ani Danao.

Komento pa niya, ngayong pinayagan ng nasyunal na pamahalaan na makauwi ang mga LSI at ROF sa kani-kanilang mga probinsiya, sana rin umano na paabutin man lang nila ng 14 araw bago ang kasunod na batch ng mga uuwi upang maihanda ang mga quarantine facilities.

Aminado siyang nagkukulang sila sa pasilidad sa ngayon kaya hiniling niya sa Sangguniang Bayan na pumasok sa kasunduan ang lokal na pamahalaan sa mga may-ari ng pension house ngunit ibinasura umano ito ng ng mga konsehal. Layon lamang sana umano niyang may mapaglagakan ang mga uuwi nilang mga kababayan.

Sa kasalukuyan, sa talaan ng mga kinauukulan, mula sa lumang dalawang kaso ay mayroon ng 13 na bagong confirmed COVID-19 cases sa Palawan na kung saan, lima nito ay mula sa Lungsod ng Puerto Princesa, tatlo sa Bayan ng Coron at lima rin sa Bayan ng Sofronio Española, mga pawang LSIs at ROFs.

Samantala, ukol naman sa pagtugon sa COVID-19, ipinabatid  ni Mayor Danao na ang kanilang munisipyo ang kauna-unahang nagpasundo ng mga na-stranded nilang mga kababayan sa iba’t ibang munisipyo. Umabot din umano sa P60, 617,883.85 ang kabuuang nagastos ng lokal na pamahalaan na inilaan sa mga binalangkas nilang mga ordinansa kaugnay sa paglaban sa COVID-19 at sa iba pang gastusin kaugnay nito.

Tags: LSIsNarraROFs
Share98Tweet61
ADVERTISEMENT
Previous Post

MARINA-Palawan, naglabas ng ‘pabatid’ ukol sa nakatakdang pagsasanay ng eroplano ng Philippine Air Force sa June 25

Next Post

Pangulo ng LNB-Roxas, nakikitang mas mahihikayat ang publiko na itakwil ang makakaliwang-grupo kung pinamumunuan ng mga matitinong lider

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers
Energy

Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

May 15, 2026
DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza
Provincial News

DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

May 15, 2026
BFAR warns public vs Box jellyfish
Provincial News

BFAR warns public vs Box jellyfish

May 11, 2026
DSWD AICS set to release P5,000 cash assistance to 566 drivers in Palawan
Provincial News

DSWD AICS set to release P5,000 cash assistance to 566 drivers in Palawan

May 6, 2026
Alvarez consults locals for proposed biomass plant in Roxas town
Provincial News

Alvarez consults locals for proposed biomass plant in Roxas town

May 5, 2026
Provincial News

Coron procures trike for waste collection

May 4, 2026
Next Post
Pangulo ng LNB-Roxas, nakikitang mas mahihikayat ang publiko na itakwil ang makakaliwang-grupo kung pinamumunuan ng mga matitinong lider

Pangulo ng LNB-Roxas, nakikitang mas mahihikayat ang publiko na itakwil ang makakaliwang-grupo kung pinamumunuan ng mga matitinong lider

Fetus, natagpuan sa compound ng WPU-Aborlan

Fetus, natagpuan sa compound ng WPU-Aborlan

Discussion about this post

Latest News

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

May 15, 2026
PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

May 15, 2026
WPU strengthen ties with BFAR

WPU strengthen ties with BFAR

May 15, 2026
Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

May 15, 2026
DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

May 15, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15262 shares
    Share 6105 Tweet 3816
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11719 shares
    Share 4688 Tweet 2930
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10117 shares
    Share 4047 Tweet 2529
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9749 shares
    Share 3899 Tweet 2437
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us