Magsisimula na sa Lunes, Marso 21, 2022 ang pagpapatupad ng limited face-to-face classes sa labing-anim (16) na eskwelahan sa Lungsod ng Puerto Princesa na kinabibilangan ng:
- Gregorio Oquendo Memorial Elem School
- Puerto Princesa Pilot ES
- East Central School
- Palawan Hope Christian School
- Palawan National School
- Puerto Princesa City Science HS
- Salve Regina School
- TLC International School PP
- Sta Monica ES
- Irawan NHS
- Labtay ES
- Matahimik – Bucana NHS
- Lucbuan ES
- Babuyan NHS
- Cabayugan ES
- Macarascas ES
Ayon kay Gina Francisco, tagapag salita ng City DepEd, ang mga naturang eskwelahan ay pumasa sa validation at monitoring ng Department of Education Regional Monitoring Team para makapagsagawa ng limited face-to-face classes.
“Bumuo po ng 3 composite team ang Division Office, nagconduct po ng technical assistance sa mga schools na nag intent na mag implement ng limited face to face. After po, nag conduct na po ng Regional Validation on the Readiness of Schools to Implement Limited face to face to 16 schools,” saad ni Francisco.
Mensahe naman ng DepEd sa mga naturang eskwelahan na patuloy na suportahan ang lahat ng mga aktibidad para sa ikakabuti ng mga mag-aaral.
“Sa Lunes, March 21 ay magbubukas na ang mga silid-aralan ng mga schools. Patuloy pa rin tayong nanawagan sa ating mga stakeholders – learners, parents and community na patuloy po nating suportahan ang activity na ito, hindi kaya ng DepEd na ibigay ang quality education sa mga learners natin kung wala po kayo, it’s a shared responsibility po,” pahayag ni Francisco.
Discussion about this post