Ayon kay Dr. Beverly Cho, isang Public Health Expert, ang pagpapabakuna kontra COVID-19 ay mahalaga upang hindi kumalat o makahawa ng ibang tao lalo na’t kung ikaw ay ‘carrier’ ng nasabing virus. At gagana lang umano ito kung 70% ng ating populasyon ang magpapabakuna.
“Sa tulong ng mga bakuna ay maiiwasan natin ang sintomas ng impeksyon at posibleng maiwasan din ang malalang impeksyon at matigilan ang pagkalat nito. Gayun pa man, gaya ng ibang mga bakunang ginagamit sa nagdaang dekada, ang abilidad nitong protektahan ang ating komunidad ay tataas lamang kung hindi bababa sa 70% ng ating populasyon ay bakunado.”
“Halimbawa, kung ang iyong barangay ay may 100,000 katao hindi dapat bumaba sa 70,000 ang dapat mabakunahan upang matiyak ang proteksyon ng buong komunidad.”
Dagdag pa nito na ang bakunang bibilhin lamang ng ating pamahalaan ay ang mga nakapasa sa pagsusuri at nakatanggap lamang ng Emergency Use Authorization (EUA).
“Sinisiguro natin na ang mga bakunang ito ay makakatanggap ng Emergency Use Authorization at kung may EUA sila doon lamang sila bibilhin at gagamitin ng ating gobyerno para sa ating vaccination program. Nagbibigay ang EUA ng assurance o katiyakan na ang bakuna ay dumaan sa masusing pagsusuri at inirerekomenda ng mga independent na eksperto sa atin.”
ANO ANG ‘EMERGENCY USE AUTHORIZATION’ (EUA)?
Ginagamit lamang ang EUA kapag mayroong ‘outbreak’ ng infectious disease at kinakailangang mabilis ang proseso sa pag-apruba ng gamot o bakuna. Base sa Food and Drug Administration (FDA) Circular No. 2020-036, ang EUA ay isang authorization na ibinibigay para sa mga unregistered drugs at vaccines sa isang public health emergency na sitwasyon tulad ng pandemyang dulot ng COVID-19. Ito ay isa sa mga hakbangin na ginawa upang paigtingin ang pagiging handa ng bansa bilang tugon sa pandemiya. (Food and Drug Administration [FDA] Philippines, 2020).
Sinisiguro rin ng FDA na mas mataas ang benepisyong makukuha sa mga unregistered na gamot o bakuna para sa COVID-19 kumpara sa mga potensyal na panganib na maaaring idulot nito sa ating kalusugan. At sinusuri at pinag-aaralan ng mabuti ng mga eksperto ang mga ito bago makakuha ng EUA. Kapag napagkalooban na ng EUA ang mga ito, maituturing nang ligtas gamitin o ibahagi ito sa publiko.
“Sinisiguro natin na ang mga bakunang ito ay makakatanggap ng Emergency Use Authorization at kung may EUA sila doon lamang sila bibilhin at gagamitin ng ating gobyerno para sa ating vaccination program.”
“Nagbibigay ang EUA ng assurance o katiyakan na ang bakuna ay dumaan sa masusing pagsusuri at nire-rekomenda ng mga independent na eksperto sa atin. Hindi mo rin kailangan mag-alala, ang bakuna laban sa COVID-19 ay hindi magbibigay sa iyo ng COVID-19.”
PAANO GUMAGANA ANG COVID-19 VACCINE?
“Ginagaya ng vaccine ang virus o bacteria na nagdudulot ng sakit at naghuhudyat ng paggawa ng katawan ng antibody. Ang mga antibody ang siyang magbibigay proteksyon sa pagkakataong mahawa ng aktwal na virus o bacteria na nagdudulot ng sakit,” (DOH, 2021).
ANO BA ANG ANTIBODY?
Base sa paliwanag ng National Human Genome Research Institue, ang antibody o tinatawag din na immunoglobulin ay ‘protective protein’ na ginagawa ng ating immune system bilang reaksyon sa presensya ng ‘foreign substance’ o ‘antigen’ sa ating kataawan. Ang antibodies ay kumakapit sa mga antigen upang maalis o malabanan ang sakit na maidudulot nito sa ating kalusugan.
ANO ANG MAAARING MAGING SIDE EFFECTS?
Ayon kay Dr Robert Shmerling, Senior Faculty Editor ng Harvard Health Publishing, ang mga side effects umano na naranasan ng mga indibidwal na nagboluntaryong magpabakuna ng Pfizer, Moderna, AstraZeneca at Johnson & Johnson ay mga ‘minor’ lamang. Ito rin ay maaaring mga indikasyon na gumagawa ang katawan natin ng proteksyon laban sa virus.
“In large clinical trials, most side effects have been minor. When side effects occur, they typically last just a few days. A side effect or reaction isn’t necessarily all bad, by the way; it may indicate that the body is building protection against the virus. For the four vaccines listed above, common side effects include: pain at the site of the injection, painful, swollen lymph nodes in the arm where the vaccine was injected, tiredness, headache, muscle or joint aches, nausea and vomiting, fever or chills.”
Dagdag din nito na ang mga posible rin umano na side effects ay ‘allergic reaction’ sa bakuna at ‘unexplained death’.
Gayun din ang paliwanag ng DOH na ang mga side effects ng bakuna na maaaring maramdaman. Ngunit kapag lumala ang kondisyon ay dapat pumunta agad sa ospital.
“Maaaring makaramdam ng pananakit, pamumula, pangangati o pamamaga sa parting binakunahan na maaaring magtagal ng ilang oras. [Kung makaramdam naman ng] lagnat, panghihina ng katawan, pananakit ng ulo, pagkahilo, pagtatae o pagduduwal [ay dapat] agad na sumangguni sa isang healthcare professional kung makaranas ng alinman dito.”
Ipinaliwanag naman ni Dr. Rommel Crisenio Lobo, Allergist and Clinical Immunologist ng National Adverse Effects Following Immunization Committee (NAEFIC), ang pagsakit o pamamaga sa lugar kung saan binakunahan ay normal lamang at hindi kontraindikasyon para sa ikalawang shot o ‘booster dose’ ng bakuna (DOH, 2021).
“Yun pong usual mild adverse event na, halimbawa, nagkaroon kayo ng pain o nagkaroon po kayo ng pamamaga doon sa injection site, those are expected which means your immune response is your immune system has recognized the antigen or the pathogen containing the virus. That’s not the contraindication for your second dose.”
ANO ANG PAGKAKAIBA NG MGA BAKUNA?
Base rin sa DOH, magkakaiba ang mga bakunang maaaring bilhin ng gobyerno sa mercado depende kung paano nito matutulungan ang katawan gumawa ng antibodies laban sa virus.
“Nagkakaiba ang mga bakuna kung saan ito gawa at kung paano ito naghuhudyat ng immune response para gumawa ng antibodies. Itong antibodies ay panlaban sa mikro-organismo na kalaunan ay magiging proteksyon laban sa totoong impeksyon.”
“Ang bakuna ay maaaring pinahina o patay na organism o isang genetic product tulad ng mRNA na gagawa ng protina ng isang virus o bacteria nang hindi nagdudulot ng sakit.”
ANO ANG BENEPISYO SA PAGPAPABAKUNA?
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) (2021), maraming benepisyo ang maaaring makuha sa pagpapabakuna kontra COVID-19. Base sa pag-aaral, ang mga bakuna na mayroon ngayon sa merkado ay ‘highly effective’ kontra sa nasabing virus at maging sa malalang karamdaman na maaaring makuha rito. Ito rin ay mahalaga upang maprotektahan ang mga taong ‘at high risk’ tulad ng matatanda, bata at mga ‘immunocompromised’ na indibidwal at maaaring mapigilan din ang pagkalat ng nasabing virus.
“Based on what we know about vaccines for other diseases and early data from clinical trials, experts believe that getting a COVID-19 vaccine may also help keep you from getting seriously ill even if you do get COVID-19. Getting vaccinated yourself may also protect people around you, particularly people at increased risk for severe illness from COVID-19. Experts continue to conduct more studies about the effect of COVID-19 vaccination on severity of illness from COVID-19, as well as its ability to keep people from spreading the virus that causes COVID-19.”
Dagdag pa ng CBC na may posibilidad na magkaroon ng komplikasyon dulot ng COVID-19 subalit ang pagpapabakuna ay ang pinakaligtas na paraan upang makaproteksyonan umano ang sarili at kasama pa rin nito ang pagsunod sa mga health protocols na ipinapatupad tulad ng pagsuot ng face mask, social distancing at pagpapabakuna.
Discussion about this post