Ngayong araw na magtatapos ang animnapung araw na kautusan ng Department of Interior and Local Government o DILG sa mga lokal na pamahalaan na linisin ang mga kalsada sa mga nakaharang dito.
Kaugnay nito ay sinabi ni City DILG officer na Virgilio Tagle na dito sa Lungsod ng Puerto Princesa ay umaabot na sa 60-70 percent ang compliance sa kanilang kautusan.
Mayroon umanong pailan-ilang hindi sumunod na mga pribadong establisyemento pero sa kaniyang paglakaalam ay kinasuhan na ito ng City Goverment katuwang ang barangay.
Dahil dito ay wala na raw problema ang City Goverment sa kanilang tanggapan.
Natutuwa rin umano siya dahil ang Bgy Magkakaibigan ay susunod na rin sa kautusan dahil kinausap na umanon siya ng Punong Barangay nito at nagpapatulong na lamang sa City Anti-squatting para matanggal sa bangketa ang kanilang Barangay Hall.
Nilinaw rin ni Tagle na nagkaroon lang ng miscommunication kaya nabigyan ng red tagging ang City Council dahil nakapagsumite na ito ng maraming ordinansang ipinasa para malinis sa anumang obstruction ang kalsada at sidewalk.
Kaugnay nito kinumpirma ni Tagle na sa araw ng Biyernes ay magiingkot ang validation team ng DILG para i-validate ang mga lugar dito sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Matatandaang nagpalabas noon ang DILG ng isang memorandum para tanggalin ang mga nakaharang sa kalsada at sidewalk matapos na banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang huling State of The Nation Address o SONA na dapat ibalik sa tao ang mga kalsada.
Discussion about this post