Sinampahan na ng kasong homicide at violation of the Omnibus Election Code (Illegal Possession of Deadly Weapon) ang dalawang suspek na nambugbog at nanaksak sa empleyado ng isang bar sa lungsod.
Kinilala ang biktima na si Alex Alpapara Valdez, nasa tamang edad, at bouncer.
Habang ang mga suspek kinilalang sina Edward Ungsod, 39 anyos, at Jessie Romualdo, 38, mga residente sa lungsod.
Sa imbestigasyon ng Police Station 1, ganap na 11:40 ng kagabi, lasing ang dalawang suspek na nanggugulo na sa loob ng painuman, sinubukan ng biktima na awatin ang dalawa, ngunit binalingan siya ng mga ito sinuntok at sinaksak.
Naisugod na sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng sugat sa katawan.















Discussion about this post