Mabilis na romesponde sa North national highway Barangay Tagburos ang kawani ng Anti-Crime Task Force matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen.
Ayon sa report ng ACTF, ganap na 5:20 ngayong umaga ika-29 ng Abril agad nilang tinungo ang lugar, at nakita ang dalawang lalaki nakabulagta sa kalsada sakay ng motorsiklo.
Ayon sa mga nakasaksi, naghahabulan ang dalawang traysikel na nabangga ang kotse at motorsiklo.
Sa panayam kay Andy Bantelan, may ari ng isang traysikel nadamay lamang daw sila sa banggaan.
Tumakas naman ang kanyang kasamahan na nagmamaneho ng kanyang traysikel na si alyas Tonton, ganun din ang driver ng isa pang traysikel.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis kaugnay sa aksidente.















Discussion about this post