Ilang magsasaka sa Barangay Manalo, lungsod ng Puerto Princesa ang nakatanggap ng mga produktong pananim handog ng Puerto Princesa City Agriculture Office.
Ang mga pananim, ay lubos namang ikinagalak ng mga magsasaka.
Layunin ng programang ito ng Pamahalaan Panlungsod na mapalawak ang produksiyon ng mga pananim tulad ng kasuy, langka, calamansi, at guapple upang dagdagan ang kita ng mga magsasaka.
Para sa mga nagnanais pa ng iba’t-ibang paraan upang gawing mas produktibo ang kanilang lupa, maaaring makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal ng tanggapan para sa karagdagang suporta.
Discussion about this post