ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Kahilingang 7-day ‘Transition Travel Ban’ extension, inaasahang ito’y huli na

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
June 16, 2021
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Domestic travel seen to drive recovery of tourism industry

File photo

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Positibo ang LIATF na pagbibigyan ng Regional IATF ang kahilingan nilang pitong araw na pagpapalawig ng travel restrictions sa Puerto Princesa buhat sa NCR na tinawag nilang “Transition Travel Ban.”

Sa live press briefing kahapon ng hapon ng City Government kung saan bisita ng City Information Department sina IMT Commander Dean Palanca at LIATF Spokesperson at City Legal Officer Norman Yap, muling tinalakay ang laman ng LIATF Resolution No. 49.

RelatedPosts

City Tourism Office joins exclusive MIMAROPA circle in NHCP historical network

More than 700 join Puerto Princesa Run promoting disaster preparedness

Puerto Princesa unveils glowing Acacia tunnel to boost southern tourism

Ayon kay Yap, naipadala na nila noong June 14 ang nasabing kahilingan at sa tingin nila ay maaprubahan umano ang extension matapos ang two-weeks travel ban na matatapos sa June 16 at maipagpapatuloy hanggang June 23.

“Ito ay bilang transition lang kasi nagdadahan-dahan tayong nagbababa ng ibang measures–‘yong curfew, bumaba natin, ‘yong barangay checkpoint tinanggal natin. So, maaaring tumaas ang mobility sa mga susunod na araw kahit tayo ay nasa MECQ kaya mayroong tinatawag na transition Travel Ban,” aniya.

Dagdag pa ng opisyal, kapag naaprubahan,  ay hindi pa rin papayagang makauwi ang mga residente ng Puerto Princesa at Non-national government APORs na ngayon ay nasa NCR Plus Bubbles.

Aniya, habang ito ay umiiral, ang mga papagayan lamang ay ang mga national government APORs, ROFs, cargo/logistics movement, at medical emergency travels.

Pagkatapos naman umano ng seven day extension ay pag-aaralan na ng LIATF ang kasunod na hakbang gaya ng kung posibleng maalis na ng tuluyan ang travel ban sa kondisyon na ibalik din ang pagku-quarantine sa mga darating. Bagamat hindi pa malinaw kung aakuin ng siyudad ang bayad sa quarantine facility at ang pagkain ng kanilang mga residente, gaya ng dati.

“Kung ito man ay mawala itong travel ban, hihilingin natin na maibabalik ‘yong quarantine protocols ng mga arriving travelers at sana po payagan tayo….Hindi natin pwedeng ipagbawalang-bahala ‘yong quarantine protocols gawa ng mayroon pa rin tayong outbreak,” giit ng City Legal Officer.

At higit sa lahat umano, kabilang sa mabigat na magiging batayan ng kanilang desisyon ay hindi na aakyat pa ang kaso ng COVID o mga casualty sa lungsod upang mapagbigyan na ang matagal ng kahilingan ng  mga taga-lungsod na sa ngayon ay naroon sa Metro Manila na nais nang umuwi.

Sa ngayon umano ay “plateau” ang data na kanilang nakikita sa kaso ng COVID-19 sa Puerto Princesa kaya hindi pa malinaw at posible pang anumang oras ay  tataas ang bilang.

Bunsod nito ay binabantayan nila ng husto ang sitwasyon. Umaasa na lamang umano silang walang malaking pagbabago sa mga araw na iyon upang maaalis na nang tuluyan ang travel restriction, basta’t may kapalit lang na quarantine.

Sa muli ay nilinaw ng LIATF na kung manggagaling ang isang byahero sa isang lugar na hindi sa NCR Plus Bubbles ay maaari silang pumasok sa lungsod. Kinakailangan lamang na maibigay ang mga requirement gaya ng negatibong resulta ng RT-PCR, magparehistro sa Stay Safe at S-Pass upang makapag-ugnayan sa IMT at upang ma-facilitate ang symptoms screening sa kanilang pagdating sa lungsod.

Ngunit ipinaliwanag ni Yap na ngayong MECQ ay essential travels lamang ang pinahihintulutan at wala pa ang leisure travels, may travel ban man o wala.

Samantala, sa press briefing naman kahapon, tinuran din ng tagapagsalita ng IATF ng Puerto Princesa ang kahilingang pagpapalawig sa travel ban ay upang hindi  rin mabigla ang mga health frontliners sa pagdating ng mga residente ng siyudad mula NCR.

Hindi naman saklaw ng umiiral na travel ban at extension nito ang mga papasok sa munisipyo ng Palawan at ang mga byahe palabas ng siyudad at lalawigan.

Tags: ppcpuerto princesaTransition Travel BanTravel Ban
Share45Tweet28
ADVERTISEMENT
Previous Post

Bilang ng isasakay sa traysikel ngayong extended MECQ, nakasalalay sa desisyon ng pasahero

Next Post

Inbound at outbound travel guidelines, inamyendahan ng San Vicente-MIATF

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

City Tourism Office joins exclusive MIMAROPA circle in NHCP historical network
City News

City Tourism Office joins exclusive MIMAROPA circle in NHCP historical network

August 26, 2026
More than 700 join Puerto Princesa Run promoting disaster preparedness
City News

More than 700 join Puerto Princesa Run promoting disaster preparedness

August 5, 2026
Puerto Princesa unveils glowing Acacia tunnel to boost southern tourism
City News

Puerto Princesa unveils glowing Acacia tunnel to boost southern tourism

August 1, 2026
Pangulong Marcos, pinangunahan ang pamamahagi ng bigas at pinansyal na tulong sa mga pamilya at barangay sa Puerto Princesa
City News

Pangulong Marcos, pinangunahan ang pamamahagi ng bigas at pinansyal na tulong sa mga pamilya at barangay sa Puerto Princesa

July 29, 2026
Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero
City News

24 na cruise ships, inaasahang darating sa Puerto Princesa sa susunod na taon

July 22, 2026
City eyes digital payout for allowances
City News

City eyes digital payout for allowances

May 18, 2026
Next Post
Bayan ng San Vicente, nagpasa ng ordinansa sa pagsugpo ng COVID-19

Inbound at outbound travel guidelines, inamyendahan ng San Vicente-MIATF

Coca-Cola signs MOA with City of Manila for plastic bottle collection and recycling

Coca-Cola signs MOA with City of Manila for plastic bottle collection and recycling

Discussion about this post

Latest News

Palawan students win medals at Hong Kong International Math Olympiad

Palawan students win medals at Hong Kong International Math Olympiad

August 26, 2026
Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration

Brooke’s Point launches province’s 1st LGU-led Tech-Voc Day & Month celebration

August 26, 2026
Calmia Nickel, nagsagawa ng basic firefighting training para sa emergency response team

Calmia Nickel, nagsagawa ng basic firefighting training para sa emergency response team

August 26, 2026
Palawan, dadalhin ang tourism deals at investment opportunities sa Cebu

Palawan, dadalhin ang tourism deals at investment opportunities sa Cebu

August 26, 2026
Palawan legislature pushes building of cell towers in Buliluyan and Balabac island barangays

Malaysia eyes stronger Sabah defenses as Balabac gains military role

August 26, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15281 shares
    Share 6112 Tweet 3820
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11796 shares
    Share 4718 Tweet 2949
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10304 shares
    Share 4122 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10224 shares
    Share 4090 Tweet 2556
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9760 shares
    Share 3904 Tweet 2440
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing