Lalaki, sugatan matapos sumalpok ang motor sa likod ng bus

0
113
- Advertisement -

Last Updated on

Sugatan ang isang lalaki matapos bumangga ang minamanehong motor sa likod ng isang Cherry bus sa kahabaan ng National Highway na sakop ng Brgy. Tiniguiban bandang 11:00 P.M. ng Setyembre 6.

Ayon sa kasamahan ng driver ng motorsiklo na si Winston Dumaran, habang binabaybay nila ang kahabaan ng national highway sa Brgy. Tiniguiban ay dumiretso sila sa likod ng isang Cherry bus na pagarahe na sana.

Nagtamo lamang ng minor injuries si Dumaran na agad namang nalapatan ng paunang lunas.

Ayon sa Operations Manager ng Cherry bus na si John Jay Labrador, wala na umanong pananagutan ang Cherry bus sa kanila dahil maayos itong naka signal na kakaliwa ito, at ayon sa mga nakakita ay maliban pa sa mabilis ang takbo ng motor ay nakainom pa ang driver.

Ayon naman sa kasama ng driver, hindi na sila maghahabol ng danyos mula sa kumpanya ng Cherry bus.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here