ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

May-ari ng Jomari Poultry Farm na si Jose Pe sa mga nagrereklamo: ‘We will fight this in court’

Lance Factor by Lance Factor
January 22, 2026
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 5 mins read
A A
0
May-ari ng Jomari Poultry Farm na si Jose Pe sa mga nagrereklamo: ‘We will fight this in court’

Ang inerereklamong Jomari Poultry Farm ni Jose Pe sa Brgy Bacungan || Kuha ang larawan ng news team

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Tuloy umano ang operasyon ng Jomari Poultry Farm na pagmamay-ari ni Jose Pe na matatagpuan sa Sitio Maranat III, Barangay Bacungan, Puerto Princesa, sa kabila ng mga reklamong natatanggap sa mga kalapit na residente at establisyemento kaugnay sa umano’y nakakaperwisyong langaw na anila’y banta f   na sa kanilang kalusugan at kabuhayan.

Ayon kay Pe, wala anyang basehan upang ipasara ang kaniyang negosyo dahil nakapagsumite naman siya ng mga kaukulang dokumento na kinakailangan upang makapag-operate ang Jomari Poultry Farm. Kabilang anya sa mga ito ay ang bagong isyung Mayor’s Permit para sa taong kasalukuyan. Sa kabila ng mga patuloy na reklamo, nanindigan siya na hindi basta-basta maipapasara ang kaniyang negosyo.

RelatedPosts

Need for dwelling space triggers mangrove cutting in Luzviminda

Puerto Princesa records 47 degrees Celsius heat index

PPCWD rations water in Barangay Macarascas

Nag-ugat ang isyu nang umano’y magsimulang makaranas ang mga residente ng pagdami ng langaw noong nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan na kanilang iniuugnay sa manukan ng negosyanteng si Pe. Ang iba ay halos hindi na umano makakain nang maayos habang ang ibang negosyante naman ay nalulugi na dahil na rin sa mga reklamong natatanggap kaugnay sa langaw dahilan upang bumaba ang bilang ng mga bumibisita sa kanilang mga negosyo.

Kwento ni Pe, nagkaroon umano ng isang diyalogo noong nakaraang taon upang pag-usapan at linawin ang isyu sa pagitan ng kaniyang negosyo at ng mga residenteng nagrereklamo. Ngunit, hindi anya naging maganda ang takbo ng usapan nila dahil na rin sa mataas na emosyon na ipinakita ng iba.

“Mayro’ng time January 2025 pinatawag ako ng kapitan na magkaroon kami ng pulong-pulong sa Maranat II Elementary School eh I don’t know kung bakit gano’n ‘yung mga tao doon naging medyo galit sila violent sila na ‘Ipapasara namin yan!’ ganito ganon nagsisisigaw. Sabe ko kaya tayo nagpunta dito, kaya ako humarap sa inyo para maayos ‘yung problema. Eh hindi sila the type of people na ano eh makakausap mo nang malumanay. Anyway, it ended up na may sama ng loob ganito gano’n,” pahayag ni Pe sa panayam sa kaniya ng mga lokal na mamamahayag noong Enero 15.

Dagdag pa niya, may ilang residente umano ang nagpakita sa kaniya ng mga kumpol na langaw na anila’y nakakaperwisyo na ngunit ayon kay G. Pe wala umanong sapat na basehan upang matukoy na ang lahat ng langaw sa naturang lugar ay nanggagaling sa kaniyang manukan.

“Sabe ko, how can you prove na ‘yang langaw na ‘yan ay galing sa akin? May pangalan ba ‘yan ng ano [Jomari Poultry Farm]? Hindi nila ma-justify. So, it ended up like that.”

ININSPEKSYON NG IBA’T IBANG AHENSYA

Ayon pa kay Pe, nagsagawa rin umano ng inspeksyon ang mga kawani ng City Business Permits and Licensing Office (BPLO), City Environment and Natural Resources Office (ENRO), at ng City Health Office (CHO) na inatasan ng Committee on Health na pinamumunuan ni Konsehal Gerry Abad, upang alamin ang kalagayan ng nasabing poultry farm. Sa naturang inspeksyon, lumabas na pinapayagan pa ring mag-operate ang Jomari Poultry Farm matapos itong makakuha ng panibagong permit para sa taong kasalukuyan.

Nilinaw niya rin ang pinagkaiba ng Environmental Compliance Certificate (ECC) at Non-Coverage Certificate (NCC) at sinabing “Kung ang capacity ng manok[an] mo ay less than 10,000 ang kakailanganin kukunin ay NCC. If your chicken is more than 10,000, ang kukunin ay ECC. So, I fall under the category of NCC kaya ito ‘yung sa NCC.”

Kaugnay ng panawagang ipasara ang kaniyang negosyo, muling iginiit ni Pe na hindi basta-basta maaaring ipasara ang poultry farm dahil sa malaking puhunan na kaniyang inilaan dito. Handa rin umano siyang ipaglaban ang kaniyang negosyo sa korte sakaling humantong ito sa demanda.

“Wala ba akong rights para idemanda? We will fight this in court. Eh may investment ako eh. ‘Yung lupa is P6 million, ‘yung dalawang kulungan is almost P4 million. Ano? Itapon ko na lang ‘yon? Hindi ako mayaman, nagtatrabaho rin ako just like you,” pagdidiin ni Pe
.

Dagdag pa niya, ang mga manok na inaalagaan sa nasabing poultry farm ay pagmamay-ari ng Magnolia Philippines at sila lamang ang inatasan upang alagaan at palakihin ang mga ito bago tuluyang i-harvest. Dahil dito, hindi umano siya papayag na tuluyang ipasara ang kaniyang negosyo.

MGA AKSYONG GINAWA NI PE KAUGNAY NG PATULOY NA REKLAMO

Ayon kay Pe, binigyan umano siya ng barangay ng listahan ng mga kailangang gawin upang mabawasan ang pagdami ng langaw. Kabilang dito ang regular na paglilinis sa ilalim ng mga kulungan, paglalagay ng net sa paligid ng poultry farm, pagpapanatiling tuyo ang ilalim ng mga kulungan, at pag-spray ng kemikal laban sa mga langaw.

“Yung barangay binigyan ako ng list nandidito lahat na kailangan linisin ‘yung ilalim ng kulungan ng manok, kailangan paikutan lahat ng net ‘yung buong dalawang poultry, kailangan linisin yung area, kailangan hindi basa ‘yung ano [ilalim], kailangan i-spray-han ng chemicals ‘yung [mga] langaw [and] I did all of that,” saad niya.

Anya, maliban sa pagsunod sa listahan na ibinigay ng barangay mula sa mga rekomendasyon ng mga residente ay wala na rin umano siyang makita na iba pang paraan upang maibsan ang mga langaw sa kaniyang manukan.

Inamin din ni Pe na hindi pa siya nabibigyan ng Sanitary Permit dahil sa patuloy na reklamong inihahain ng mga residente. Gayunman, ayon sa City Health Office (CHO), nakatakdang magsagawa ng panibagong inspeksyon ang kanilang mga kawani upang muling suriin ang kalinisan ng nasabing poultry farm.

Nilinaw rin ni Pe ang isyu kaugnay ng paraan ng pag-dispose ng mga patay na manok. Ayon sa kaniya, ang mga ito ay inililibing sa malalim na hukay alinsunod sa patakaran at direktiba ng Magnolia Philippines.

Samantala, patuloy na sinusubukan ng news team na makakuha ng pahayag mula sa City Business Permits and Licensing Office (BPLO) kaugnay ng mga reklamong ibinabato ng mga residente, partikular ang pagbibigay ng permit sa Jomari Poultry Farm sa kabila ng patuloy na mga reklamo at kawalan ng Sanitary Permit.
Tags: Barangay BacunganG. Jose PeJomari Poultry Farmpuerto princesa city
Share5Tweet3
ADVERTISEMENT
Previous Post

U.S. envoy wraps up Manila post, leaves behind expanded alliance with Philippines

Next Post

Pagpapahaba ng runway ng Puerto Princesa International Airport, suportado ng manager ng CAAP Area IV

Lance Factor

Lance Factor

Related Posts

Need for dwelling space triggers mangrove cutting in Luzviminda
City News

Need for dwelling space triggers mangrove cutting in Luzviminda

April 30, 2026
Puerto Princesa records 47 degrees Celsius heat index
City News

Puerto Princesa records 47 degrees Celsius heat index

April 29, 2026
PPCWD rations water in Barangay Macarascas
City News

PPCWD rations water in Barangay Macarascas

April 29, 2026
City, PMHA establish mental health and wellness clinic
City News

City, PMHA establish mental health and wellness clinic

April 24, 2026
City trains more staff in basic life support
City News

City trains more staff in basic life support

April 23, 2026
Apat pang pulis na sangkot sa Irawan shooting incident, pinangalanan na
City News

Apat pang pulis na sangkot sa Irawan shooting incident, pinangalanan na

April 20, 2026
Next Post
Pagpapahaba ng runway ng Puerto Princesa International Airport, suportado ng manager ng CAAP Area IV

Pagpapahaba ng runway ng Puerto Princesa International Airport, suportado ng manager ng CAAP Area IV

Jomari Poultry Farm

Poultry farm sa Brgy. Bacungan, pansamantalang ipinatigil ang operasyon

Latest News

Exercise Balikatan forces demonstrate coordinated air, land, sea strikes in Aporawan

Exercise Balikatan forces demonstrate coordinated air, land, sea strikes in Aporawan

May 1, 2026
Cong. Alvarez, humarap sa mga pro-mining groups sa Brooke’s Point; ‘Ayaw namin na wala kayong trabaho!’

Cong. Alvarez, humarap sa mga pro-mining groups sa Brooke’s Point; ‘Ayaw namin na wala kayong trabaho!’

May 1, 2026
Need for dwelling space triggers mangrove cutting in Luzviminda

Need for dwelling space triggers mangrove cutting in Luzviminda

April 30, 2026
Coron install modular floating docks

Coron install modular floating docks

April 30, 2026
Palawan Wagyu Farmers Association formed

Palawan Wagyu Farmers Association formed

April 29, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15256 shares
    Share 6102 Tweet 3814
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11711 shares
    Share 4684 Tweet 2928
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10091 shares
    Share 4036 Tweet 2523
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9746 shares
    Share 3898 Tweet 2436
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing