Masayang ibinahagi ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang kasiyahan at ngiti ng mga estudyante ng Bacungan Elementary School sa nakaraang outreach program nito.
Sa pangunguna ni Police Leutenant Colonel Aurelio K Cabintas at Police Colonel Ronie S Bacuel, isinagawa ang programa kasama ang Pink Peaches Beauty Salon and Aesthetics at Haim Chicken. Ibinahagi sa mga kabtaan ang mga regalo tulad ng tsinelas, hygiene kit, at mga gamit sa paaralan, kasama ang food packs at ice cream mula sa Aice Palawan.
Alinsunod sa Republic Act No. 10661, ang National Children’s Month (NCM) o kilala rin bilang “Buwan ng mga Bata” sa Pilipinas ay taunang ipinagdiriwang tuwing Nobyembre bilang paggunita ng United Nations Convention on the Rights of the Child ( UNCRC) noong 20 Nobyembre 1989.
Nilalayon nitong ipakita ang kahalagahan nito sa kamalayang Pilipino at ipagpatuloy ang pagtataguyod at proteksyon ng karapatan ng mga bata.
Malugod na nagpapasalamat ang PPCPO sa suporta ng mga stakeholders na nagbigay kulay at kahulugan sa selebrasyon ng National Children’s Month.
Discussion about this post