Nadakip sa Puerto Princesa City ang isang indibidwal na pinaghahanap ng batas sa Bayan ng San Vicente.
Kinilala ang naarestong suspek na si Jaynie Boy Velasco Cantiga, a.k.a Eugene, 38 anyos, may kinakasama, self-employed at residente ng Sitio Bok-bok, Brgy. Alimanguan, San Vicente, Palawan.
Sa spot report mula sa Palawan PO, nakasaad na dakong 3 am kahapon, September 8, 2020 nang madakip ang nasabing suspek sa Brgy. Mangingisda, Puerto Princesa City ng mga tauhan ng San Vicente MPS sa bisa ng ibinabang Warrant of Arrest ni Judge Emmanuel Q. Artazo, presiding judge ng RTC Branch 14-FC, Taytay, Palawan na may petsang August 24, 2020.
Inaresto ang suspek dahil sa paglabag sa Section 5 (a) ng R.A. 9262 may kaugnayan sa kasong Less Serious Physical Injuries, na kung saan ay may inirekomendang P36,000 ang korte para sa pansamantala niyang kalayaan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng San Vicente MPS ang naturang indibidwal at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa proper disposition.
Discussion about this post