Isang sunog ang naganap pasado 8 pm kahapon, Setyembre 12, sa Purok San Francisco, Brgy. Maunlad, Lungsod ng Puerto Princesa.
Sa impormasyong ibinahagi ng Puerto Princesa City Fire Station, isang istruktura ang napinsala sa sunog na pagmamay-ari ni Maria Jeony Babe Claridad Lucenda. Tinatayang nasa P37,000 ang halaga ng pinsala.
Itinawag ang insidente sa Bureau of Fire Protection-Puerto Princesa City (BFP-PPC) dakong 8:19 at dumating naman ang team matapos ang tatlong minuto na ng mga sandaling iyon ay naapula na rin umano ang apoy dahil umabot lamang ito sa unang alarma.
Sa kabutihang-palad ay wala namang nasaktan o binawian ng buhay dahil sa naganap.
Discussion about this post