Hinihiling ngayon ang pagkakaroon ng espasyo o lugar para magsilbing prayer room ng mga mananampalatayang Muslim na bumibiyahe paroo’t parito sa lalawigan ng Palawan gamit ang bagong transport terminal ng lungsod ng Puerto Princesa.
Sa resolusyon na magkasamang isinusulong nina Konsehal Luis Marcaida III, at Konsehal Jimmy Carbonnel kanilang ninanais na ito ay mabigyang puwang at aksyon ng pamunuan ng bagong bukas na terminal ng siyudad na matatagpuan sa Barangay Irawan.
Sinusunod ng mga mananampalatayang Muslim ang limang beses na pagdarasal sa buong isang araw at ito ay kanilang isinasagawa sa takdang oras na kung saan sakaling mayroong lugar para dito ay maaari nilang tupdin habang naghihintay ng kanilang masasakyan.
Inaasahan naming magiging positibo ang pagtalakay dito ng konseho ng lungsod ng Puerto Princesa at mabilis na tutugunan ng pamunuan ng Puerto Princesa Terminal.
Discussion about this post