ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Environment

‘Nagampanan ba natin ang ating mga tungkulin bilang katiwala sa mga nilikha ng Diyos?’

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
December 13, 2019
in Environment, Puerto Princesa City, Religion
Reading Time: 4 mins read
A A
0
Fluvial Parade para sa Inang Birhen Maria, sama-samang ipinagdiwang sa Puerto Princesa

Photo by Melvin Garvilles/Palawan Daily News

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Sa gitna ng banta ng global warming at mga isyung pangkalikasan, isang napapanahong katanungan ang binitiwan ng Simbahan sa mga mamamayan ukol sa estado ng kanilang pagsunod sa isa sa kanilang mga responsibilidad—ang maging tagapangalaga ng Inang Kalikasan.

“[N]apakaganda kung ating mapagnilayang mabuti, ito ba ay nagampanan natin bilang katiwala sa lahat ng mga nilikha ng Diyos? Nagampanan ba natin ang [isa sa] ating mga tungkulin?” ang bahagi ng homiliya ni Rev. Fr. Pepito Rollo, rector, Immaculate Concepcion Parish (ICP) sa idinaos na ecology mass sa besperas ng kapistahan ng Puerto Princesa City.

RelatedPosts

World Ocean Day Cleanup collects 52 sacks of beach litter

Tubbataha reefs launches seadird tracking project to boost conservation efforts

Ippf launches tilapia fly hauling and stocking initiative

Aniya, maaaring ang isasagot ng ilan ay isang malaking tandang pananong at ang nakalulungkot pa ay ang katagang “Hindi!”

Sa ngayon umano, sa halip na pahalagahan at pangalagaan ng tao ang nag-iisa niyang tahanan ay kanya pang sinisira.

Tahasang inihayag ng Rektor ng ICP na si Fr. Rollo na ito ay dahil “naghari [na] sa puso ng tao ang pagkamakasarili dala ng kasalanan.”

“Dahil sa kasalanang ‘yan, di lamang nagkaroon ng disharmony kundi nagkakaroon ng pagkawalang-bahala ng tao sa pagkasira ng kalikasan….[Dapat natin itong pagyamanin] sapagkat sa lahat ng mga nilikhang ito, naroon ang larawan ng Diyos,” aniya.

 

LAYUNIN NG ECOLOGY MASS

Ipinaalaala niyang kaya nagsasagawa ng ecology mass ay upang muling tanungin ng publiko ang kanilang mga sarili kung paano pinahahalagahan ang mga bagay na ipinagkatiwala ng Dakilang Lumikha gaya ng yamang-tubig, yamang-lupa o ang lahat ng mga nasa kapaligiran.

“Kaya sa ating pagdiriwang na ito, we pray, at hindi lamang tayo nagdarasal kung hindi, pagsumikapan natin na ating gampanan ‘yung papel nating ito bilang ‘stewards of the nature,” mensahe ni Fr. Rollo.
Mithiin din umano nitong pukawin ang damdamin ng mga mga mamamayang kristiyano sa pagprotekta sa ekolohiya.
“Bilang katiwala, inaasahan sa tao na kanyang alagaan ang mga ipinagkatiwala sa kanya….Kayang alagaan, pagyamanin at pahalagahan, ‘yan ang ang mga bagay na dapat ang isaisip ng isang katiwala [ng mundo],” dagdag pa niya.

 

PANALANGAIN NA INGATAN ANG EKOLOHIYA

Sa Salmong Tugunan, ilan sa mga idinalangin ng sambayanan ay para sa mga pinuno ng Simbahan gaya nina Pope Francis, Bishop Socrates Mesiona ng Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa, mga kaparian, mga relihiyoso at mga layko na nawa’y magtulungan sila sa pangangalaga at pagtatanggol sa mga likas na yaman ng kalupaan at karagatan.

Kalakip din ang panalangin para sa lahat ng mga pinuno ng bansang Pilipinas na nawa’y magbigay sila ng higit na pagpapahalaga sa kapayapaan at pagkakaisa upang mailigtas ang ating ekolohiya laban sa malawakang paninira habang sa mga sangay ng pamahalaan at Non-government Organization na naatasan sa pangangalaga ng mga likas-yaman, lalo’t higit sa probinsiya ng Palawan na nawa’y maging modelo sila sa pagsasabuhay sa mga mithiin na pangalagaan ang Inang Kalikasan ayon sa kanilang tungkulin at tumanggi sa di maka-kristiyanong pamumuhay.

Sa mga naghihirap, mga magsasaka, mga mangangalakal at miyembro ng Oplan Linis, nawa’y maging matatag umano sila sa pagharap sa mga sitwasyong mapaghamon at maging instrumento sa pananatili ng kaayusan ng likas-yaman.

Sa mga miyembro ng Bantay-Dagat naman, ang usal na panalangin ng bayan ay ingatan nila ang mga likas yamang-dagat at huwag silang gumamit ng mga paraan na nakasisira ng kalikasan.
Itinaas din sa Poong Lumikha na nawa’y maging aktibong tagamasid ang mga kabataan at maging masipag na tagapangalaga sa dignidad sa buhay ng himpapawid, sa kalupaan at higit sa karagatan.

Sa mga nagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan naman sa lipunan, hiniling na bigyan sila ng Panginoon ng biyaya ng katatagan ng loob upang magkaroon sila ng tamang desisyon sa pagkakasakatuparan sa kanilang mga obligasyon at sinumpaang-tungkulin.

Habang para sa mass media, idinalangin na nawa’y maging instrumento sila sa paglalaganap sa kampanya sa pagtatanggol sa Inang Kalikasan sa pamamagitan ng paghahatid ng tama at balanseng pagsulat sa tunay na kalagayan ng ekolohiya.

 

SIMBOLIKONG PAG-AALAY

Sa Banal na Pagtitipon ay nagkaroon naman ng simbolikong pag-aalay.
Ang kandila na sumisimbolo sa liwanag ni Kristo ay inihandog nina CENRO Felizardo Cayatoc at PENRO Eriberto Saños habang ang bulaklak na sumasagisag sa pagbubunyag ng Diyos sa kanyang sarili at sa kagandahan ng kanyang mga nilikha ay inialay nina Oplan Linis Manager Andrew Manlawe at City ENRO Carlo Gomez.

Ang tubig na sumasagisag sa sangkatuhan ay ibinigay ni PCSD Staff Executive Director Nelson Devanadera habang ang alak na sumisimbolo sa dugo ni Kristo ay inialay nina City Mayor Lucilo Bayron at Palawan Gov. Jose Chaves Alvarez.

Si Provincial ENRO Noel Aquino ang nag-alay ng tinapay, ang sumisimbolo sa ating sarili na handang magbagong buhay habang si Provincial Fishery Officer for Southern Palawan Mario Basaya ng BFAR Fisheries Office ang naghandog ng isda at mga lamang-dagat.

Mula naman kay Philippine Ports Authority-Palawan Acting Manager Elizalde Ulson ang mga gulay na sumasagisag ng mga yamang-lupa na ipinagkaloob ng Panginoon upang magbigay ng lakas sa mga mamamayan habang ang mga sobre na naglalaman ng kaunting halaga ay inalay nina Western Command Commander Rene Medina, Coastguard District Palawan Commander Allan Corpuz, at Naval Forces West Commander Renato David.

Matatandaang sa inilabas ni Papa Francisco na kanyang ikalawang encyclical, ang Laudatu Si: on the Care of Our Common Home ay nakapokus ito sa pangangalaga sa kalikasan. Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang encyclical ay isang liham ng Santo Papa sa lahat ng Roman Catholic Bishops.

Sa Pilipinas, pinangungunahan ng Simbahang Katolika ang mga panawagan sa mga kinauukulang mga ahensiya ng gobyerno, partikular sa Administrasyon at sa mga nakaupo sa pwesto na kumilos at tugunan ang mga suliraning pangkalikasan na ang karaniwang unang nakararanas sa negatibong epekto ay ang mga mahihirap.
Bilang pagtugon sa Laudatu Si ni Pope Francis, noong 2018 ay nagpalabas ng pastoral letter si dating Bishop Pedro Arigo ng Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa ukol sa mariing pagtutol na maitayo ang planta ng coal sa Palawan, ang tinaguriang “Last Frontier” ng bansa.

Tags: caracolecology massicpimmaculate conception parish
Share226Tweet141
Previous Post

Legislator seeks more research on harmful algal blooms

Next Post

Palaw’an tribe vows to sustainable tourism in Brooke’s Point

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Tingnan || Pagbasbas sa mga booth ngayong soft opening ng baragatan sa palawan
Environment

World Ocean Day Cleanup collects 52 sacks of beach litter

June 9, 2025
BFAR assists linapacan fisherfolk to boost squid and other fishery commodities
Environment

Tubbataha reefs launches seadird tracking project to boost conservation efforts

May 7, 2025
Ippf launches tilapia fly hauling and stocking initiative
Environment

Ippf launches tilapia fly hauling and stocking initiative

May 2, 2025
Ipo-ipo, namataan sa tagkawayan beach: cdrrmo nagsagawa ng aerial inspection
Environment

Ipo-ipo, namataan sa tagkawayan beach: cdrrmo nagsagawa ng aerial inspection

May 2, 2025
Ph naval forces, coast guard at pnp maritime group, nagsagawa bg operasyon sa pag-asa
Environment

Bulkang bulusan sa sorsogon, sumabog; alert level 1 itinaas ng phivolcs

April 29, 2025
Tignan | matinding init sa abril at mayo: heat index posibleng umabot sa 50% c, babala ng pagasa
Environment

Tignan | matinding init sa abril at mayo: heat index posibleng umabot sa 50% c, babala ng pagasa

March 13, 2025
Next Post
Palaw’an tribe vows to sustainable tourism in Brooke’s Point

Palaw'an tribe vows to sustainable tourism in Brooke's Point

Palawan Kiwanians welcome new officers, members

Palawan Kiwanians welcome new officers, members

Discussion about this post

Latest News

Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

Magna Cum Laude, Made in the margins

July 10, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

Puerto Princesa mulls creation of flood control task force

July 10, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

Mga bagong halal na opisyales ng Tourism Office, pormal nang nanumpa sa harapan ni Gob. Alvarez

July 10, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

Limang kalalakihan, tiklo sa ilegal na tupada sa Puerto Princesa

July 10, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

July 10, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15002 shares
    Share 6001 Tweet 3751
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11214 shares
    Share 4486 Tweet 2804
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10265 shares
    Share 4106 Tweet 2566
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9648 shares
    Share 3859 Tweet 2412
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    8999 shares
    Share 3600 Tweet 2250
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing