Tila isang kisap-mata,
Saglit.
Mabilis.
Pabigla.
Ni walang bahid ng pagdududa,
O kahit konting pangamba
Na tumalon
Kahit di saluhin,
kahit nasa dulo ng bangin,
kahit mata’y nakapiring
Dahil ang pagibig sa bayan ay di nasisindak
At mananatiling payak
Na animo’y nakayapak
Lang sa giyera na parak
Dahil ang magmahal ay pagtanggap
Sa libong basyo ng bala ng pagkukulang
Ngunit sa bisig ay tanging paglingap
Ang ibibigay sa sinta mong hinirang
At kahit na ihipin ang lampara
Ng paparating na umaga
Kumutan man ng dilim
Ang uniberso’t mga tala
Tuldukan man ang buhay na regalo ni Bathala
Pag-asa’y mas iigting sa paparating na paglaya
Panghawakan mo,
At sa puso ay ukitin,
Na sa bawat pagkatalo,
Pagibig ay nagwawagi rin.
-Labintatlong taon ng kawalang hustisya pero taas kamao pa ring ipagpapatuloy ang iyong legasya. Buhay pa rin ang alaala mo sa nag-aalab kong puso, Tito Dong. Para sa bayan, sa masang api’t maralita, palagi’t palagi.
STOP KILLING JOURNALISTS!!!
Justice for Fernando “Dong” Batul!!
Discussion about this post