ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home National News

Dalawang barko ng china coast guard, sinundang ang “atin ito” sa daan papuntang pag-asa island

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
May 30, 2025
in National News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Share on FacebookShare on Twitter

RelatedPosts

BFAR eyes solar salt production in WPS

Barangay Term Extension Bill, lusot na sa kamara

PH spots 41 Chinese Vessels in disputed waters over one-month period

Print Friendly, PDF & Email
Dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) ang sumunod at nag-shadow sa training ship Kapitan Felix Oca, na nagdadala ng mga sibilyan mula sa “Atin Ito” coalition na patungo sa Pag-asa (Thitu) Island sa West Philippine Sea, ayon sa isang opisyal ng Philippine Navy nitong Martes, Mayo 27.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea, karaniwan nang makakita ng presensya ng mga Chinese maritime militia at coast guard vessels sa paligid ng Pag-asa Island dahil malapit ito sa Subi o Zamora Reef, isang low tide elevation na 16 milya mula sa Pag-asa na militarisado ng China.

Aniya, “The Atin Ito, they started sailing early this morning. The last report from the group was that they were being tailed by two Chinese Coast Guard vessels.”
Habang papalapit ang T/S Kapitan Felix Oca sa pangkalahatang lugar ng Pag-asa Island para sa isang makasaysayang sea concert na tampok ang mga lokal at internasyonal na artista, sinundan ito ng mga barkong CCG 3306 at CCG 21549.

Nangyari ang pagsunod habang ang barko ay 54 nautical miles mula sa baybayin ng El Nido, Palawan; ang CCG 3306 ay tatlong nautical miles lamang ang layo, habang ang CCG 21549 ay anim na nautical miles ang layo.

Ayon sa Atin Ito coalition, nagpalitan ng radio challenges ang dalawang panig.
Sinabi ni Trinidad na handa ang Philippine Navy na magbigay ng suporta sa sibilyan sa pamamagitan ng Western Command (WesCom) sakaling tumaas ang tensyon. Nagpadala rin ang Philippine Coast Guard ng BRP Melchora Aquino, isang 97-metong multi-role response vessel, at BRP Malapascua, isang 44-metong patrol ship, upang samahan ang mga sibilyan.

“Atin ito is a civil society effort. They have done all the coordination with the appropriate government agencies prior to the conduct of the activity. We fully support them, the Philippine Navy, the AFP [Armed Forces of the Philippines], and even other government agencies in the maritime domain are prepared to respond to support anything that they would need while conducting their concert at sea,” dagdag ni Trinidad.
Bagaman sinundan ng mga barko ng China Coast Guard ang Atin Ito vessel, sinabi ng opisyal na wala namang senyales ng delikadong galaw mula sa mga ito.
“However, this will not negate the fact that the actions of the instruments of the Chinese Communist Party have a pattern of aggression and coercive maneuvers in the West Philippine Sea,” pagtatapos ni Trinidad.
Tags: china coast guard
Share5Tweet3
Previous Post

Nmesis missile system nakahanda na para sa ph-us “kamandag” exercise

Next Post

Parokya sa bayan ng Roxas, nanawagan ng hustisya para sa pinaslang na 19- anyos na lektor ng simbahan

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

Imelda Schweighart says cake critique was personal opinion, not generalization
National News

BFAR eyes solar salt production in WPS

June 11, 2025
Imelda Schweighart says cake critique was personal opinion, not generalization
National News

Barangay Term Extension Bill, lusot na sa kamara

June 11, 2025
Imelda Schweighart says cake critique was personal opinion, not generalization
National News

PH spots 41 Chinese Vessels in disputed waters over one-month period

June 11, 2025
LPA sa PH, maaring maging unang bagyo ng taon ayon sa pagasa
National News

Woman flying to Puerto Princesa shares harrowing fals bullet incident at NAIA

June 10, 2025
Kamara, aprubado na ang P200 dagdag sahod ng minimum wage earners
National News

Kamara, aprubado na ang P200 dagdag sahod ng minimum wage earners

June 5, 2025
Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan
National News

DOH: face masks not needed for mpox, no lockdown in sight

June 3, 2025
Next Post

Parokya sa bayan ng Roxas, nanawagan ng hustisya para sa pinaslang na 19- anyos na lektor ng simbahan

Mga dati nang nasangkot sa droga, muli na namang nahuli sa buy-bust sa puerto princesa

Latest News

Imelda Schweighart says cake critique was personal opinion, not generalization

BFAR eyes solar salt production in WPS

June 11, 2025
Imelda Schweighart says cake critique was personal opinion, not generalization

Child among three suspected MPOX cases in Puerto Princesa

June 11, 2025
Imelda Schweighart says cake critique was personal opinion, not generalization

Kadiwa ng bagong bayaning mangingisda ( KBBM) launch in Bataraza, Palawan

June 11, 2025
Imelda Schweighart says cake critique was personal opinion, not generalization

Puerto Princesa allocates P29M for equipment vs floods

June 11, 2025
Imelda Schweighart says cake critique was personal opinion, not generalization

Barangay Term Extension Bill, lusot na sa kamara

June 11, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    14977 shares
    Share 5991 Tweet 3744
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11179 shares
    Share 4472 Tweet 2795
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10260 shares
    Share 4104 Tweet 2565
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9639 shares
    Share 3855 Tweet 2410
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    8902 shares
    Share 3561 Tweet 2226
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing