Batay sa isinasaad sa Section 3, Article VI ng Constitution and By-Laws ng League of Municipalities of the Philippines (I-MP), ang liga ay nakatakdang magsagawa ng pangakalahatang pagpupulong sa darating na ika- 21 hanggang 23 ng Pebrero, ngayong taon sa Grand Ballroom, Manila Hotel .
Ang LMP general assembly ay mayroong tema na, “Strengthening Municipal Capabilities Around Autonomy and Fostering Resiliency.”
Batay sa itinakdang tema, ang pagpupulong ay hindi lamang tututok sa isinusulong na pag-amyenda sa Executive Order No. 138, bagkus ay kasama na rin dito ang pagpapalitan ng kuro-kuro sa detalyadong anggulo na lalo pang magpapahusay ng kanilang pamumuno sa kanilang mga nasasakupan.
Ang tatlong araw na general assembly ay magsasagawa ng Island Cluster sessions para sa Luzon, Visayas, and Mindanao na nakatuon sa mga sumusunod na topiko:
- Luzon — Implementation of the Local Integrated Coastal Management Plan and Forest Land Use Plan;
- Visayas — Collaboration with the National Government to boost local tourism aligned to the National Tourism Development Plan; and
- Mindanao — Strengthening Peace and Order and Implementing their Public Safety Plan.
Ang magiging resulta ng mula sa Island Cluster sessions ay isusumite upang makahiling sa magiging deklarasyon kasunod ng kanilang pagsumite dito sa Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa President’s Hour.
Kaugnay nito, sa pamamagitan ng ipinalabas na kalatas mula sa DILG sa pamamagitan ng mariing kahilingan ni LMP National President Mayor Joseph Sto. Niño “JB” Blando Bernos, inaasahang lahat ng mga gobernador ay hihimukin ang kanilang mga alkalde na dumalo sa nabanggit na general assembly.
Source : DILG Official website
Discussion about this post