Dinakip ng mga awtoridad kahapon ng umaga ang isang ginang sa Bayan ng Narra dahil sa ilegal na pagputol ng niyog.
Kinilala ang naarestong indibidwal na si Mercidita Dagsa Terbio, 68 taong gulang, biyuda, vendor at residente ng Brgy. Poblacion ng nasabing munisipyo.
Sa spot report ng Palawan PPO, nakasad na partikular na nilabag ng nasabing senior citizen ang Section 4 ng Republic Act No. 8048 o mas kilala bilang “Coconut Preservation Act of 1995” na inamiyendahan ng Republic Act No. 10593.
Isinagawa ang pag-aresto sa nasabing ginang ng personnel ng Narra MPS bandang 10:15 am kahapon, July 16, 2020, sa Brgy. Poblacion, Narra, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Melissa Grace T. Perola ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC)-Narra na may petsang July 6, 2020.
Inirekomenda naman ng korte ang P30,000 piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.
Discussion about this post