Arestado ang isang lalaki na tinaguriang High Value Individual (HVI) sa Barangay Bancalaan, Balabac, Palawan nito lang Setyembre 29, pasado 6:00 ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Rapesa Maing Parian, 40 anyos, at residente sa nabanggit na lugar.
Si Parian ay binabaan ng Warrant of Arrest noong Mayo 14, 2021, na inisyu ni Judge Chito R Mendoza, Punong Hukom ng RTC 165, Brooke’s Point, Palawan, para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002-Possession of Dangerous Drug (RA 9165 Artikulo II Seksyon 11), na may rekomendadong piyansa na P 200,000.00.
Sa pag-aresto, natagpuan mula sa kanya ang sumusunod:
(1) na Coin purse
(1) na Blue scissors
(4) na Heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting kristaladong substansiyang pinaniniwalaang shabu
(1) na Bundle ng maliit na transparent plastic sachet
(1) na Heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting kristaladong substansiyang pinaniniwalaang shabu
(5) na Maliit na transparent plastic sachet na may laman
(1) na Heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting kristaladong substansiyang pinaniniwalaang shabu
(1) na Plastic na nababalot ng itim na electrical tape
(1) na Bundle ng maliit na transparent plastic sachet
(1) na Itim na eco bag
Ang na-confiscate na droga na may timbang na 5 gramo ay may halagang umaabot sa isang Daan at Limampung Libong Piso (Php 150,000.00).
Samantala, ang naarestong suspek ay hawak na ngayon ng Balabac MPS at nasampahan na rin ng karagdagang kaso na isusumite sa Provincial Prosecutors Office ng Palawan para sa inquest proceedings.
Discussion about this post